World War II lovers, di inaasahang magkikita muli matapos ang 75 na taon

World War II lovers, di inaasahang magkikita muli matapos ang 75 na taon

- Inakala ni US Army veteran KT Robbins na di na niya muling makikita pa ang kanyang "true love" na si Jeannine Ganaye

- Sa tulong ng grupo ng French journalists, nagkita muli sina Robbins at Ganaye na ngayon ay 97 at 92 anyos na

- Pareho nang pumanaw ang mga asawa ng magsing-irog na ito na nangakong magkikita silang muli

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang naantig sa kwento ng World War II lovers na sina US Army veteran KT Robbins at Jeannine Ganaye na di inaasahang magtatagpo pa rin ang mga landas makalipas ang 75 taon.

Ayon sa Inquirer Pop, masasabing "true love never dies" daw talaga ang kwento ng mga ito na nag-ugat nang madestino si Robbins sa lugar nina Ganaye.

Nangailangan ng tulong ang US Army sa kanyang mga labahin at nag-alok naman ng tulong ang ina ni Ganaye.

Mula nang sila ay magkita, nasabi nilang nahulog agad ang loob nila sa isa't isa. Ngunit di nagtagal ang kanilang pag-iibigan nang kailangan nang lumipat ni Robbins mula Eastern Front upang sumabak sa Axis Powers.

Ngunit aminado si Robbins na di pa niya tuluyang nalimutan ang kanyang naiwang nobya. Katunayan, pinakatatago niya ang 'black and white' na larawan ni Ganaye na ilang taon din niyang iningatan.

World War II lovers, di inaasahang magkikita muli matapos ang 75 na taon

source: Inquirer (via Unilad)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa isa sa mga panayam na ginawa kay Robbins, naipakita niya ang larawan ni Ganaye. Kahit aminado si Robbins na baka pumanaw na ang dating nobya, di tumigil ang isang grupo ng French journalists na hanapin ito.

At makalipas nga ang nasa 75 na taon, nagkita muli ang dalawa na parang sila ay 24 at 18 anyos lamang.

Saglit man ang muling pagsasama dahil sa selebrasyon ng anibersaryo ng D Day sa Normandy, France, nangako ang ngayo'y 97 at 92 na dating magkasintahan na magkikita silang muli.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

We surely understand the wisdom of these Filipino proverbs. But what if we had to explain them to a foreigner? Translate preserving the meaning.

Tricky Questions: Translate Filipino Proverbs Into English | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Kiana Valenciano, kinuyog ng mga netizens matapos kumain ng balut

Kiana Valenciano, kinuyog ng mga netizens matapos kumain ng balut

Kiana Valenciano, kinuyog ng netizens matapos kumain ng balut
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel