'Di daw maka-move on si Kap! Ex-GF, pinagsabay siya at ang isang Oppa

'Di daw maka-move on si Kap! Ex-GF, pinagsabay siya at ang isang Oppa

-Inirereklamo ng isang babae ang kanyang dating kinakasama dahil 'di daw ito maka-move on

-Giit pa nito, gusto pa raw akuin ng kanyang ex ang kanyang ipinagbubuntis

-Depensa naman ng inirereklamo, labis lamang siyang nasaktan dahil binigla daw siya ng babae nang makipaghiwalay ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Idinulog ni Kristel Nazario, 22-anyos, ang kanyang problema sa kanyang dating kinakasama na si Ernesto Alano Jr., 42-anyos, dating kapitan sa kailang lugar sa Raffy Tulfo in Action.

Reklamo ni Nazario, hindi raw maka-move on si Alano mula sa kanya kaya patuloy pa rin itong nanggugulo sa kanila.

Giit pa ng babae, gusto pa raw nitong akuin ang kanyang ipinagbubuntis.

Inamin ni Nazario na mayroon na siyang ibang kinakasama na isang Koreano.

Nang maka-usap naman ni Raffy Tulfo ang inirereklamong ex-kapitan, sinabi nitong nabigla lamang siya sa pakikipag-hiwalay sa kanya ni Nazario.

Iginiit pa nito na pera ang dahilan kung bakit siya ipinagpalit ni Nazario sa isang dayuhan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sabi pa ni Alano, noong isang buwan lamang sila huling nagkita ng babae.

Ngunit itinanggi ito ni Nazario at sinabing noong October ng nakaraang taon pa sila huling nagkita.

Napag-alaman namang July noong nakaraang taon rin sila naging magka-relasyon ng Koreano na hindi na rin naman nito itinanggi.

Ganunpaman, wala pa ring maisasampang kaso laban sa babae ang dating kapitan dahil hindi sila kasal.

Sa huli ay nagkasundo na ang dalawa na tuluyan nang maghiwalay ng landas.

Ayon kay Nazario ay magpapakasal na sila ng kanyang nobyong Koreano.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Translate Filipino Proverbs Into English

We surely understand the wisdom of these Filipino proverbs. But what if we had to explain them to a foreigner? Translate preserving the meaning. Check out all of our exciting videos -on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel