5 Pinoy na nag-viral at ang kanilang ginagawa ngayon

5 Pinoy na nag-viral at ang kanilang ginagawa ngayon

Sa nakalipas na mga taon at pag-uso ng mga social media ay marami na rin tayong mga nakilala na mga personalidad na gumagawa ng ingay sa iba't ibang social media pages.

Ang iba sa kanila ay nag-viral at sumikat at ngayon ay sisilipin muli ng KAMI ang 5 Pinoy na nag-viral at kung ano na ang kanilang ginagawa sa kasalukuyan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

1. Yaya Dub

Unang nakilala si Maine Mendoza bilang dubsmash queen sa socmed na nakasali sa Eat Bulaga kalyeserye sa 'Juan For All, All For Juan' segment ng Kapuso show bilang si Yaya Dub.

Hanggang nabuo ang isa sa pinakasikat na loveteams sa showbz ang AlDub.

Ngayon, kinikilala na siya bilang phenomenal star at nakikita pa rin sa EB at Daddy's Gurl kasama si Bossing Vic Sotto at Wally Bayola sa Kapuso.

At patuloy pa rin ang pag-arangkada sa mga endorsements, magazines, at iba't ibang movie at TV projects.

2. Elevator Girl

Bago pa man siya nakilala bilang si Cherry Alejandro ng Pinoy Big Brother noong 2014 ay una munang nakilala si Cheridel Alejandro bilang si "Elevator Girl" na naispatan sa kilalang shopping mall sa Olongapo.

Nag-viral si Cherry dahil sa kanyang bibo at kwelang pagpapasakay at pagpapalabas ng mga customers sa elevator.

Bumida naman siya kamakailan din dahil sa kanyang trending na banat naman sa tamang pagsakay ng escalator.

“Stand on the right, walk on the left.”

Noong February 14, 2015 ay ikinasal na siya at hanggang ngayon ay nagtatrabaho pa rin siya sa naturang mall.

3. Badjao Girl

Dahil sa nag-viral na picture niya na kuha raw ng photographer na si Topher Quinto ay sumikat ito at nakapasok sa Pinoy Big Brother Season 7 sa edad na 13 years old.

Ngayon, napasali si Rita Gaviola sa 'Sahaya' ng GMA-7.

4. Pastillas Girl

Naging pambato rin ng It's Showtime ng Kapamilya network si Angelica Jane Yap o mas kilala bilang si Pastillas Girl.

Bagaman hindi na masyadong nakikita siya sa TV ay active pa rin siya sa kanyang IG at ang huli niyang proyekto ay ang 'BagMan' ni Arjo Atayde sa iWant na ipinalabas noong March 2019.

5. Carrot Man

Si Jeyrick Sigmaton o mas kilala bilang si Carrot Man ay inagaw ang atensyon ng mga netizens nang kumalat ang kanyang larawan online dala-dala ang isang basket ng carrots mula sa farm sa Mountain Province.

Naispatan siya sa mga TV shows sa Kapuso network at ang huling pinasok niya ay bilang isang miyembro ng FAB4z.

Speaking of Pinoy viral sensation, sumisikat na rin ngayon si viral "Hipon Girl" lalong lalo nang sumabak bilang co-host ni Willie Revillame sa Wowowin.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our team went out to the streets again to ask “Tricky Questions” to our fellow kababayans.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
‘It’s Showtime’ hosts panic because of what happened to a ‘KapareWho’ contestant

‘It’s Showtime’ hosts panic because of what happened to a ‘KapareWho’ contestant

‘It’s Showtime’ hosts panic because of what happened to a ‘KapareWho’ contestant
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel