Netizens, naloka sa pagtawag ni Ion ng darling kay Vice Ganda sa It's Showtime

Netizens, naloka sa pagtawag ni Ion ng darling kay Vice Ganda sa It's Showtime

- Naloka ang netizens sa pagtawag ni Ion ng darling kay Vice Ganda sa It's Showtime KapareWho

- Ito ay nangyari sa kanilang spiels sa nasabing segment na biro pa ni Vhong Navarro ay nadulas

- Kaya naman bumuhos ang samu't saring reaksyon na nawindang at kinilig na mga netizens

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Tila umaarangkada na ang loveteam nina Vice Ganda at Ion Perez sa It's Showtime KapareWho dahil sobrang patok na patok at nagte-treding at viral ang kanilang palitan ng banat at kamakailan ay spotted ng KAMI ang pagkaloka, pagkawindang, at pagkakilig ng mga netizens.

Natawag ni Ion si meme Vice ng "darling" sa isa sa mga banatan ng linya nila sa naturang segment ng Kapamilya noontime show.

At dumagdag pa sa kakwelahan ang pagsabi Jhong Hilario na totoong totoong tao si Ion at ang dugtong ni Vhong Navarro na "nadulas" umano si Ion sa nasambit.

Kaya naman bumuhos ang samu't saring reaksyon ng mga netizens sa YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment.

"Hahaha...Nakakaloka si Ion oi!!! Pero kinilig si meme Vice sa darling"
"Si Jhong talaga yung kaibigan mong lalaglagin ka all the time. Hahaha"
"Blooming si meme"
"Kinilig si Vice sa darling... hahaha!"
"2:34 vice ganda's reaction.Pansin nyo ba.Umirap pa.Galit ee.Hahaha"
"Huwag mong pigilan meme vice..puputok yang kilig sa dibdib mo.."
"Jhong: Grabe talaga tong si Ion totoong-totoong tao...Hahaha...Vice: Bakit nag away? dapat bigyan natin siya ng hugot....Vhong: kase nadulas...Hahaha..."
"Gusto ko yung pagbuking nina Jhong at Vhong kay meme Vice at Ion...Hehehe"

Bago nito ay pinaingay rin ni meme Vice ang mga madlang pipol at netizensa kanyang nakakalokang spoof sa mic stand moment ni Anne Curtis sa Bb. Pilipinas 2019.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our team went out to the streets again to ask “Tricky Questions” to our fellow kababayans.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel