Ina, nakapag-final exams agad ilang minuto matapos manganak

Ina, nakapag-final exams agad ilang minuto matapos manganak

- 30 minuto matapos manganak, nakapag-exam na si Almaz Derese sa kanyang hospital bed

- Tatlong subject ang kanyang natapos at ang iba pa ay sa mismong paaralan na lamang niya kukunin

- Desidido na ang inang ito na makatapos upang makakuha na ng kursong na pang-dalawang taon na siyang maghahanda sa kanya sa unibersidad

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kahanga-hanga ang 21 anyos na si Almaz Derese, isang Ethiopian na ina dahil sa nagawa niyang mag-final exam 30 minuto matapos siyang makapanganak.

Sa ulat ng BBC news Africa, balak na sanangtapusin ni Almaz ang kanyang exam bago pa ipanganak ang kanyang sanggol. Ngunit dahil sa inabot na ng Ramadan, lalong tumagal ang petsa ng kanilang eksaminasyon.

Hanggang sa nag-labor na siya at nakaramdam ng pananakit ng tiyan nitong Lunes, Hunyo 10, ilang oras bago ang schedule ng kanilang eksaminasyon.

At dahil ayaw na niyang maghintay na ng isa pang taon para matapos niya ng secondary school, nagdesisyong siyang mag-exam, 30 minutos matapos manganak.

Ina, nakapag-final exams agad ilang minuto matapos manganak

source: BBC news Africa (ILU ABBA BOR ZONE COMMUNICATION OFFICE)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kinuha niya ang mga pagsusulit sa English, Amharic at math sa mismong hospital bed niya. Ang ilan pang natitira niyang exam ay kukunin na niya sa kanila mismong paaralan.

Kwento ng asawa ni Almaz na si Tadese Tulu, matindi-tinding pangungunmbinsi ang ginawa niya sa paaralan ng knyang misis para lamang payagan ito.

Sa Ethiopia kasi, palasak na ang pagkakahinto ng mga kababaihan doon sa pag-aaral pagtuntong ng secondary schools dahil sa pagbubuntis. Saka na lamang si babalik makalipas ang ilang taon.

Ngunit para kay Almaz, kahit pa siya ay bagong panganak pa lamang, sinikap niyang makakuha ng eksaminasyon nang sa ganoon, makapaghanda na siyang nga kursong pang-unibersidad.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

We surely understand the wisdom of these Filipino proverbs. But what if we had to explain them to a foreigner? Translate preserving the meaning.

Tricky Questions: Translate Filipino Proverbs Into English | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
15-anyos, nagtayo ng 24/7 na library para sa kabataan

15-anyos, nagtayo ng 24/7 na library para sa kabataan

15-anyos, nagtayo ng 24/7 na library para sa publiko
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel