Pasahero ng 1 eroplano, napagkamalang pinto ng toilet ang emergency exit

Pasahero ng 1 eroplano, napagkamalang pinto ng toilet ang emergency exit

-Na-delay ng pitong oras ang biyahe ng isang eroplano ng Pakistan International Airlines (PIA)

-Ito ay matapos aksidenteng mabuksan ng isang pasahero nito ang emergency exit door

-Ayon sa airline, napagkamalan daw ng pasahero na pinto ito ng toilet

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Aksidenteng nabuksan ng isang pasahero ng eroplano ng Pakistan International Airlines (PIA) ang emergency exit door nito.

Ayon sa tagapagsalita ng airline, napagkamalang pinto ng banyo ng pasahero ang pinto para sa emergency habang nasa airport pa ang eroplano, ayon sa ulat ng CNN.

Biyaheng Manchester, UK, papuntang Islamabad, Pakistan ang flight 702 nang maganap ang insidente.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sabi pa sa isang statement na inilabas ng airline: "the exit slide deployed automatically,".

Sa kabutihang-palad ay ligtas naman ang lahat ng sakay ng eroplano.

Napag-alaman ng KAMI na noong nakaraang Biyernes lamang ito nangyari ayon sa iba pang reports.

Samantala, wala pang naging pahayag ang Manchester Airport kaugnay ng nangyaring insidente.

Ayon naman sa ibang ulat ng CNN Philippines, isang matandang pasahero ang dinakip at nakulong noon matapos naman nitong tangkaing buksan ang emergency exit.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Translate Filipino Proverbs Into English

We surely understand the wisdom of these Filipino proverbs. But what if we had to explain them to a foreigner? Translate preserving the meaning. Check out all of our exciting videos -on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Hiling na Mariah Carey cake ng may kaarawan, Marie Curie ang kinalabasan

Hiling na Mariah Carey cake ng may kaarawan, Marie Curie ang kinalabasan

Hiling na Mariah Carey cake, Marie Curie ang kinalabasan
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel