85-anyos na tatay, beast mode sa 2 anak na sinagot-sagot at minura daw siya

85-anyos na tatay, beast mode sa 2 anak na sinagot-sagot at minura daw siya

-Hindi matanggap ng isang 85-anyos ang kalapastangan daw sa kanya ng kanyang dalawang anak na lalaki

-Kaya naman humingi siya ng tulong kay idol Raffy para mapalayas na ito sa kanyang poder

-Ngunit giit naman ng dalawa, na-brainwash lamang ito ng kanilang ate

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Mainit ang naging pagtatalo ng mag-aamang Sofio, Lourdes, Raymond at Rafael dela Paz nang maidulog ang kanilang problema sa programang Raffy Tulfo in Action.

Nagsimula ito nang idulog ni Lourdes at anak nitong si Heidi ang reklamo ng kanilang ama at lolo na si mang Sofio laban sa dalawa pang anak nito na sina Raymond at Rafael.

Gusto na raw kasing palayasin ni mang Sofio ang dalawa kasama ang mga pamilya nito dahil sa labis na sama ng loob.

Anito, wala umanong galang at minura-mura pa siya ng dalawa. Binastos din umano siya ng asawa ni Raymond na si Mary Jane na masyado raw mataray.

Sa hiling ng mga ito ay nagharap-harap sila sa studio ng programa.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dito, mas narinig ni Raffy Tulfo ang bawat panig. Depensa na mga inirereklamo, na-brainwash lamang daw si mang Sofio ng kanilang ate na si Lourdes at ng anak nitong si Heidi.

Napag-alamang ang mag-ina ang kasama ng matanda sa kanyang bahay at ang mga ito ang nag-aalaga sa matanda.

Sinubukan pa silang pag-ayusin ni idol Raffy ngunit determinado si mang Sofio na paalisin ang mga ito sa kanyang poder.

Sa huli ay nagkasundo ang mga ito na aalis na lamang silang lahat na anak sa poder ng kanilang ama.

Matapos ang kanilang paghaharap ay napag-alaman ni idol Raffy na kumunsulta sa PAO ang magkakapatid kaugnay sa kanilang karapatan sa lupa.

Ayon sa abogadong nakausap ni Tulfo, may karapatan ang mga anak sa lupa na pag-aari ng kanilang mga magulang.

At dahil walang last will ang namayapang asawa ni mang Sofio, awtomatikong mapupunta ang bahagi nito sa kanyang mga anak.

Sa huling update sa mga ito, sinabing determinado pa rin si mang Sofio na paalisin ang mga anak sa kanyang lupa.

Ayon naman kay Raymond ay sinubukan nilang magpakumbaba sa kanilang ama ngunit matigas na rin daw ang puso nito.

Iniiwasan na lamang daw nila na magpansinan upang makaiwas na sa gulo.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Translate Filipino Proverbs Into English

We surely understand the wisdom of these Filipino proverbs. But what if we had to explain them to a foreigner? Translate preserving the meaning. Check out all of our exciting videos -on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Iya Villania, Drew Arellano, Primo celebrate Baby Leon’s 1st birthday

Iya Villania, Drew Arellano, Primo celebrate Baby Leon’s 1st birthday

Iya Villania, Drew Arellano, Primo celebrate Baby Leon’s 1st birthday
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel