Lalaking may Parkinson's disease at nag-viral, dinagsa ng tulong

Lalaking may Parkinson's disease at nag-viral, dinagsa ng tulong

-Labis ang pasasalamat ng lalaking nag-viral matapos itong ma-spot-an ng isang netizen habang nagmamaneho kahit na may sakit

-Matatandaang natampok ang istorya nito sa KMJS noong Linggo

-At simula dito, dumagsa na ang tulong para sa kanya at sa kanyang pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa pamamagitan ng isang video mula sa Facebook page ng Kapuso Mo Jessica Soho (KMJS), nagpahayag ng pasasalamat si tatay Neil at ang pamilya nito.

Si tatay Neil ang driver ng UV express na nag-viral matapos ma-spot-an ng isang netizen na nagmamaneho kahit pa nga ito ay may sakit na una nang naiulat ng KAMI.

Matatandaang naitampok ang istorya nito sa KMJS noong Linggo at napag-alamang mayroong Parkinson's disease si tatay Neil.

Ngunit anito, sa kabila ng pangungutya sa kanya ng ilan ay nagpapakatatag siya para sa kanyang pamilya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kulang pa rin kasi ang kita ng kanyang misis para matustusan ang kanilang mga pangangailangan kaya nagha-hanapbuhay pa rin ito.

Bukod rito ay umaabot sa P1,000 kada araw ang halaga ng gamot ni tatay Neil.

Mula naman nang maitampok sila sa sikat na programa ng Kapuso network ay dumagsa na raw ang tulong para sa kanilang pamilya.

Nagpasalamat si tatay Neil sa mga taong tumulong sa kanya at sa mga taong nagdarasal para sa kanyang kalusugan.

Hangad ng KAMI ang kaligtasan ni tatay Neil sa araw-araw maging ng kanyang pamilya.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Translate Filipino Proverbs Into English

We surely understand the wisdom of these Filipino proverbs. But what if we had to explain them to a foreigner? Translate preserving the meaning. Check out all of our exciting videos -on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
OFW sa Hong Kong, na-scam ng kakilala ng halos 1M matapos magpanggap na lalaki

OFW sa Hong Kong, na-scam ng kakilala ng halos 1M matapos magpanggap na lalaki

OFW sa Hong Kong, na-scam ng kakilala ng halos 1M matapos magpanggap na lalaki
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel