Netizens, nawindang sa biglaang pagkamatay ng "loyal askal" na si Bubuy

Netizens, nawindang sa biglaang pagkamatay ng "loyal askal" na si Bubuy

-Pumanaw na rin ang viral dog na si "Bubuy" dahil sa isang aksidente

-Binansagang Pinoy Hachiko ang "loyal askal" matapos mag-viral ang istorya nito at ng among guro na pumanaw noong Mayo

-Iniwan ni Bubuy na nagluluksa ang napakaraming netizens na sumubaybay sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nakakalungkot na balita, pumanaw na rin ang viral dog na si Bubuy, ang "loyal askal" na nakilala ng marami matapos na mag-viral sa social media.

Ayon sa post ng Facebook page na PAWSsion Project, namatay ang aso matapos itong ma-hit and run ng isang sasakyan.

Base ito sa FB post ng netizen na si Ma. Kristina Paola Demafelix, ang kawani ng Mabalacat City College.

Binigyang diin din sa post ang "irresponsible pet ownership".

Sabi pa dito, sana raw ay sa pamamagitan ng pagkamatay ni Bubuy ay mamulat ang marami sa responsibilidad nating mga tao sa mga hayop na katulad ni Bubuy na madalas ay naaabuso.

Sa isang artikulo ng KAMI, matatandaang binansagan itong Philippine Hachiko dahil sa kanyang katapatan sa among guro na si Carmelito Marcelo na pumanaw noong nakaraang buwan lamang.

Sa iba pang report, kasalukuyan nang pinaghahanap ang driver ng sasakyang nakasagasa kay Bubuy.

Ngayon naman, iniwan ni Bubuy ang napakaraming Pilipino na nagluluksa sa pagkamatay niya dahil lamang sa iresponsableng pagmamaneho.

Libo-libong netizens ang nagpahayag ng kanilang kalungkutan sa biglaang paglisan ng asong kinagiliwan at minahal na rin ng marami sa atin.

Marami rin ang masama ang loob sa mga taong dapat daw sana ay nangangalaga dito.

"Rest in peace buboy. You and you master have been together now in heaven. God bless both of you. May the power and holiness of God. You deserve to give space in heaven together your master."

"I am deeply mourning and my heart aches for you Buboy.My heart is shattered a million times.How coud this happen?"

"Run free Buboy with All the Angels greeting you at the Rainbow Bridge!!! R.I.P. Buboy!!!!"

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"Their story touch the heart of many including me.. this is very sad..what a tragic end for the loyal."

"They probably just used this adorable dog for their own benefit which is to get famous. I thought Buboy is being well taken care of. The owners should be blamed for this."

"You moved me Buboy, a friend like you, loyal and true is a big lost."

"I feel like we all deserve an explanation of what happened to Buboy from his caretakers since we were all touched and somehow, became emotionally involved na of his story. "

"So all the drama & video posted all over FB news feed, posting about how the dog was loyal, was just for the sake of making used of buboy. Wtf. I tot the family members or caretakers looked after him."

"No wonder this dog found love in Mr. Marcelo because his owners are just irresponsible."

"I dont want to say this but i felt that the only reason kung bakit d nila pinaadopt buboy is becoz he is popular."

"Sana yung pagkamatay ni Buboy ang maging daan para mapaigting ang animal welfare act. Sana makulong yung mga nakakasagasa sa mga animals."

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Translate Filipino Proverbs Into English

We surely understand the wisdom of these Filipino proverbs. But what if we had to explain them to a foreigner? Translate preserving the meaning. Check out all of our exciting videos -on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Grab food delivery riders chip in to help co-rider

Grab food delivery riders chip in to help co-rider

Grab food delivery riders chip in to help co-rider
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel