Eddie Garcia, naka life-support dahil hirap sa paghinga, pamilya humihingi ng dasal

Eddie Garcia, naka life-support dahil hirap sa paghinga, pamilya humihingi ng dasal

- Comatose pa rin ang kundisyon ni Manoy Eddie Garcia

- Naka life support na ang beteranong aktor dahil ito'y hirap sa paghinga

- Matatandaang nag-collapse ang aktor sa set ng isang TV show dahil sa neck fracture

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nabahala ang halos buong Pilipinas nang mag-collapse ang beteranong aktor na si Eddie Garcia noong Sabado, Hunyo 8.

Sa isang ulat ng KAMI, inilahad na napatid ang aktor habang nagsho-shoot ng isang action scene.

Nagkaroon siya ng neck fracture na naging sanhi naman ng pag-collapse niya.

Ayon sa pinakahuling statement ng doktor ni Eddie, na si Dr. Tony Reboso, kritikal pa rin ang kundisyon ng aktor.

Nasa comatose si Eddie at ngayo'y nasa life support na dahil sa hirap sa paghinga, ayon sa ulat ng ABS-CBN.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Hindi raw kasi kaya ni Eddie na huminga kung walang ventilator.

Humihingi ngayon ng panalangin ang pamilya ni Eddie Garcia para sa paggaling ng aktor.

Si Eddie Garcia ay isa sa mga pinakamagaling na beteranong aktor sa Pilipinas. Siya ay nasa edad na 90 nang mangyari ang insidente sa set ng teleserye.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Feature: Sick OFW Gets Unexpected Help From Employer | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Grab food delivery riders chip in to help co-rider

Grab food delivery riders chip in to help co-rider

Grab food delivery riders chip in to help co-rider
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel