Pinoy, hinangaan dahil sa painting nitong aakalaing tunay na larawan

Pinoy, hinangaan dahil sa painting nitong aakalaing tunay na larawan

- Marami ang namangha sa obra ng isang Pinoy artist na parang tunay na larawan

- "Realistic painting of Oldman" ang pamagat ng Youtube video niyang ito at ang mismong lolo pala niya ang kanyang subject

- Bata pa lamang si Emel nang mahilig siyang magpinta, nahasa at ngayo'y masasabing dalubhasa na sa pagpipinta

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Di makapaniwala ang ilang netizens sa obra ng Pinoy artist na si Emel Huliganga Espiritu.

Sa kanyang YouTube channel, binahagi niya ang video ng "Realistic painting of Oldman" kung saan ang mismong lolo niya ang kanyang napili para maging subject.

Pinakita sa video kung paano niya nabuo ang 36x48 inches oil on canvas na mukha ng kanyang lolo.

Mabusisi ang kanyang pagpipinta dahil sa bawat detalye ng larawan ng mahal niyang lolo ay kuhang- kuha niya.

Mapa-balat, buhok, kulay ng mata, ngiti ay nagaya mismo ng Pinoy artist.

Kwento pa ni Emel. bata pa lamang nang makahiligan na niyang magpinta. Pinagpatuloy lamang niya ito hanggang ngayon na masasabing isa na siyang dalubhasa sa larangang ito.

Samantala, dahil sa nakamamanghang obra na ito ni Emel, di maiwasang mamangha ng mga netizens na nakakita nito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Sir lupet mo po. natanggap po ba kau ng painting? Gsto ko pa paint picture ng mother ko sau. Sobrang galing nyo sir"
"Wow po!!!superb po yung talent nyo"
"Galing Sir, Salamat sa content mong nakakapagpalakas ng loob para magpatuloy. Mabuhay kapwa kong lumilikha ng sining!"
"Napakagaling mo ser :O sana kaya ko din yan. haha"
"Ibang level ang galing nito, grabe detalyado!"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

We surely understand the wisdom of these Filipino proverbs. But what if we had to explain them to a foreigner? Translate preserving the meaning.

Tricky Questions: Translate Filipino Proverbs Into English | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Doting mom! Jinkee Pacquiao, spotted sa sosyaling school nina Queenie at Michael

Doting mom! Jinkee Pacquiao, spotted sa sosyaling school nina Queenie at Michael

Doting mom! Jinkee Pacquiao, spotted sa sosyaling school nina Queenie at Michael
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel