Ilang transgender, masama ang loob dahil sa dapat nilang isuot sa grad rites
- Di pinayagan ang nasa anim na mga trangender ng Tarlac State University na magdamit ng ayon sa kanilang kagustuhan para sa kanilang graduation
- Di raw sila pinayagan mismo ng president ng paaralan at sinabing dapat silang magsuot sila ng pananmit ng kanilang tunay na kasarian
- Nilinaw ng university president na di lamang siya nagpasya ukol sa bagay na ito
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Aminadong masama ang loob ng ilang miyembro ng LGBT community sa Tarlac State University dahil sa di pagpayag umano ng university president nila na si Myrna Mallari na magsuot sila ng ayon sa kanilang kagustuhan para sa kanilang graduation rites.
Sa ulat ni Jervis Manahan ng ABS-CBN, ibinulalas ni Ivern Doroteo Arcache, isang graduating student ng College of Arts and Sciences na ang mismong president ng paaralan di umano ang nagbawal na magsuot sila ng ayon sa kanilang gusto dahil sa mayroon daw sinusunod daw ang kanilang paaralan ayon sa panuntunan ng mga state universities sa buong bansa.
Nalaman ng KAMI na nais kasing magsuot ni Arcache dress para sa kanyang pagtatapos dahil isa siyang transgender woman.
Dalawa rin umano sa sa transgender men ng paaralan a ng di pinayagangn magsuot ng barong dahil sila pa rin ay mga babae.
"I felt really discriminated, I even said na mayroon pong mga operada na sa 'min, then she still said no dahil wala raw po kami respeto sa tradisyon at kultura," pahayag ni Arcache.
"Ini-insist niya na lalaki pa rin kami at kailangan namin sumunod kasi 'yun daw po ang standard na sinusunod for all state colleges... Ang sabi po samin if we do not follow they won't let us march or worse, they won't let us graduate," dagdag pa niya.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Samantala, nilinaw naman ng presidente ng unibersidad na ang desisyon na ito ay napagkasunduan mismo ng graduating class, mga deans at maging ng President for Academic Affairs.
Tinanggi naman ito ni Arcache dahilan sa di raw sumang-ayon ang graduating class sa desisyong ito.
Sa memo na pinalabas ng paaralan, malinaw na nakasulat doon ang sinasabing napagkasunduang suot sa Commencement exercises.
"Graduating students who are not in the prescribed graduation attire will not be included in the processional of graduates," ayon sa memo.
Ang nakadagdag pa sa sama ng loob nina Arcache ay nang malaman na pinayagan ang ibang graduating students ng mga privateat state universities na magsuot ng naaayon sa kanilang kasarian ngayon.
Gaganapin ang kanilang Commencement exercises mula June 14 hanggang June 19.
POPULAR: Read more viral stories here
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
We surely understand the wisdom of these Filipino proverbs. But what if we had to explain them to a foreigner? Translate preserving the meaning.
Tricky Questions: Translate Filipino Proverbs Into English | HumanMeter
Source: KAMI.com.gh