Person of interests sa pagbebenta ng Chinese flag sa Luneta, iniimbestigahan na

Person of interests sa pagbebenta ng Chinese flag sa Luneta, iniimbestigahan na

-Posibleng may galit sa administrasyon ang may pakana ng pagbebenta ng Chinese flag sa Luneta noong Linggo

-Isang babaeng person of interest na ang kasalukuyang iniimbestigahan ng mga awtoridad ngayon na posibleng utak ng insidente

-Sabi naman ng isa sa mga vendor na nagbenta nito, binayaran lamang sila P200 kada isang tao at sinabing project umano ito sa school

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kumalat sa social media ang isyu kaugnay sa pagbebenta ng Chinese flag sa Luneta kasabay ng Filipino-Chinese Friendship Day na ipinagdiwang noong Linggo.

Sa CCTV footage na inilabas ng National Parks Development Committee (NPDC), makikita ang paglapit ng isang lalaki sa kumpol ng mga vendor sa Luneta.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Maya-maya pa'y sunod-sunod nang kumuha ng mga larawan ang dalawang iba pang lalaki.

Ayon sa isang vendor na nakapanayam ng News5, sinabi raw sa kanila na project ito sa eskwelahan ng anak ng isa sa mga lalaking lumapit.

Binayaran din daw sila ng P200 para rito.

Ayon sa Philippine National Police (PNP) at NPDC, posibleng may galit sa administrasyon ang may pakana nito.

Ayon sa PNP may iniimbestigahan na silang babaeng person of interest na posibleng utak nito.

Pinag-aaralan na rin ng mga awtoridad ang pagsasampa ng kaso laban sa mga nasangkot.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Translate Filipino Proverbs Into English

We surely understand the wisdom of these Filipino proverbs. But what if we had to explain them to a foreigner? Translate preserving the meaning. Check out all of our exciting videos -on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Mag-asawang Pinoy sa Arizona, sangkot sa pagkamatay ng isang senior citizen

Mag-asawang Pinoy sa Arizona, sangkot sa pagkamatay ng isang senior citizen

Mag-asawang Pinoy sa Arizona, sangkot sa pagkamatay ng isang senior citizen
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel