Lola, nangangalakal at humihingi ng maski panis na pagkain para lang may makain ang pamilya

Lola, nangangalakal at humihingi ng maski panis na pagkain para lang may makain ang pamilya

- Nadurog ang puso karamihan ng mga netizen sa kalagayan ng isang lola na nangangalakal para lamang buhayin ang pamilya

- Bukod sa pangangalakal, nanghihingi na lamang siya ng tirang pagkain ng kapitbahay para may makain

- Awang- awa man daw siya sa kanyang pamilya, ngunit tanging ito lamang daw ang kaya niyang ipakain sa mga ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang nadurog ang puso sa kalagayan ng pamilya ni nanay Nerlinda na taga-Balut, Tondo.

Sa panayam kasi ng programang Brigada, pinakita rito kung paano dinidiskartehan ng 58 taong gulang na lola ang pagkain nila sa araw-araw.

Pangangalakal ang siyang naituring niyang hanapbuhay mula nang pumanaw na ang kanyang asawa noong 2009.

May kanya-kanya nang mga buhay ang iba niyang mga anak habang ang bunsong lalaki niya at asawa nito ay nakatira sa kanyang pudar.

Dahil sa may 4 na bibig pa rin siyang pinakakain, kailangan niyang dumiskarte ng pagkain lalo na pag matumal ang kanyang pangangalakal.

Lakas loob na siyang nanghihingi sa kanyang ga kapitbahay ng mga tira nitong kanin.

Pag nakalikom na siya, hinuhugasan niya muli ang kanin at binibilad sa araw.

Igigisa niya ang natuyo nang kanin at lalagyan ng kaunting asukal para lamang daw mawal ang lasang panis nito.

Awang-awa si nanay Nerlindasa kanyang umiindang anak pag nagugutom pa ito kahit na maging siya ay nakararamdam din ng gutom.

Di niya tuloy naiwasang maging emosyonal habang sumusubo ng kaning niluto lamang niya muli at nilagyan lamang ng patamis.

Umani ng iba't ibang reaksyon ang naturang post na ito. Habang ang ilan kasi ay awang-awa sa kalagayan ng matanda, ang ilan naman ay nagsasbaing sana tulungan daw ito ng manugang niya kahit na maglabada lamang.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Malaki ang katawan nung anak niyang babae ayaw maghanap ng trabaho kahit labandera..imbes na maawa ka mainis ka sa kanila wala naman silang mga kapansanan pero palamunin pa yata"
"Sarap mong yakapin nay, anaawa na talaga ako .."
"Sana sa mga taong may subrA subrang pagkain ay wag nang hintayin mapanis ibigay na lng kaagad nkatulong kpa sa kapwa mu hnd pa nasayang pagkain kesa mapAnis lng icipn mu binili mu rn yan sa sarili mung pera prang nagtapon ka lng ng pera kung may pagkain"
"yang mga anak ni nanay di manlang makatulong sa magulang dahil nagkapamilya na... pati yang asawa ng anak nya bakit di kaya magtrabaho ng katulong yan para makatulong din"
"d na nahiya manugang mo ikaw mag alaga apo mo at mag trabaho sya tutal bata pa sya hwag nyo masyado kinakawawa sarili nyo maraming magandang paraan para mabuhay ng marangal"
"Hindi ko mapigilan na di umiyak , nakakawa naman po ."
"Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

We surely understand the wisdom of these Filipino proverbs. But what if we had to explain them to a foreigner? Translate preserving the meaning.

Tricky Questions: Translate Filipino Proverbs Into English | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Grab food delivery riders chip in to help co-rider

Grab food delivery riders chip in to help co-rider

Grab food delivery riders chip in to help co-rider
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel