Jayda Avanzado, nakatanggap ng extra sweet na sorpresa sa kanyang 16th birthday

Jayda Avanzado, nakatanggap ng extra sweet na sorpresa sa kanyang 16th birthday

- Nakatanggap ng extra sweet na sorpresa si Jayda Avanzado sa kanyang 16th birthday

- Inorganisa ang naturang suprise party ng kanyang parents na sina Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado

- Shinare naman ni Jayda sa kanyang social media ang nasabing sorpresa

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nasa "cloud 9" ang unica hija nina Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado ngayon na si Jayda Avanzado dahil sa surprise party na binuo ng mag-asawa para sa 16th birthday ng kanilang one and only at spotted ng KAMI ang trending video na ito sa socmed.

Kitang-kita sa naturang video ang pagkagulat ni Jayda nang biglang pagbagsak ng mga confetti at pagbati ng kanyang mga kaibigan.

Saad pa ni Jayda sa kanyang IG caption:

"Surprise of the year!! Still on cloud nine from my surprise belated birthday celebration last night!!"

Belated dahil ani pa sa balita ng inquirer.net, June 1, talaga ang birthday ni Jayda.

Nagpasalamat din ang 16-year-old pretty daughter nina Jessa at Dingdong sa kanila.

"Huge thank you to my parents, for organizing this and gathering a lot of the people I love and care about the most, in one room. Blows my mind how you both were able to do that. I love and appreciate you two so much!"

Hindi din nakalimutan ng dalaga ang magpasalamat sa kanyang mga kaibigan sa pagdating.

At sa huli ay nagpahayag ng sobrang kagalakan ang young star sa nasabing surprise birthday party.

"One of the most memorable birthdays ever!!!"

May super sweet message naman si Dingdong Avanzado para sa kanyang unica hija.

Ani pa ni Dingdong:

"So nice to see you happy. Never forget to thank the Lord. He has given you so much. He gave you good friends that truly value you. Love you anak! @jayda"

Present sa event ang singing teen group na ASAP G! na kinabibilangan nina Jeremy Glinoga, Kyle Echarri, Isabela Vinzon, at Darren Espanto.

Bisita rin sina Jason Dy, AC Bonifacio, at Ogie Alcasid.

Speaking of party, ibinahagi rin namin kamakailan ang bonggang pa-dinner ni Jinkee Pacquiao para sa kasamahan ng kanyang mister na si Manny Pacquiao sa senado.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our team went out to the streets again to ask “Tricky Questions” to our fellow kababayans.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
‘It’s Showtime’ hosts funnily faint after hearing the answer of a contestant

‘It’s Showtime’ hosts funnily faint after hearing the answer of a contestant

‘It’s Showtime’ hosts hilariously faint after hearing the answer of a contestant
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel