Mga residente sa Quezon, nagsabing lumuluha at kumikinang ang kanilang Sto. Niño

Mga residente sa Quezon, nagsabing lumuluha at kumikinang ang kanilang Sto. Niño

-Lumuha at kuminang raw ang isang Sto. Niño sa Real, Quezon ayon sa ilang residente doon

-Isang larawan pa nga ang ipinakita ng isang ginang roon kung saan makikitang tila umiilaw ang mukha ng Sto. Niño

-Agad namang nag-imbestiga ang programang KMJS sa katotohanan sa likod ng naghihimala umanong Sto. Niño

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang Sto. Niño raw ang nagliwanag at lumuha pa ayon sa ilang residente sa Real sa probinsiya ng Quezon.

Sa programang Kapuso Mo Jessica Soho (KMJS), naitampok ang istorya sa likod ng kababalaghang nagpapa-isip sa maraming residente roon.

Ayon sa ulat, sabi ng mga residente roon, ang bahay na kinalalagyan ng Sto. Niño ay dati nang napaliligiran ng kababalaghan.

Mayroon umanong mga residente mismo ang nakaranas ng mga ito.

Ang may-ari naman ng bahay at ng Sto. Niño ay pumanaw na noong Pasko ng 2016 dahil sa atake sa puso ayon sa kapatid nito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Habang ang sumunod na tumira sa bahay na iyon ay ang inaanak naman nito at siyang nakakita umano sa pagluha ng Sto. Niño, ayon naman sa kwento ng kapatid nito.

Sabi pa nito, agad raw siyang kinilabutan nang makita ang Sto. Niño pagpasok pa lamang sa bahay. Kwento pa nito, doon na rin namatay ang kapatid dahil sa malaria.

Hanggang sa ang tumira na sa bahay na ito ay ang kapatid na ng may-ari na siyang nakakita sa pagliwanag umano ng mukha ng Sto. Niño.

Ayon dito, laking-gulat daw niya nang makita ito kaya naman agad niya itong kinuhanan ng larawan.

Isang araw daw pagkatapos nito ay nakatanggap ng biyaya ang ginang at paniniwala niya ay dahil sa himala mula sa Sto. Niño.

Ngunit ayon sa isang eksperto, ang liwanag na nakita ng ginang ay dahil sa liwanag na mula sa sikat ng araw.

Sabi naman ng simbahan, patuloy pa rin ang imbestigasyon kaugnay sa mga bagay na pinaniniwalaang himala.

Bagamat sinabi nitong gumagamit ang Diyos ng mga bagay upang siya'y maalala ng mga tao.

Narito ang buong report:

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Translate Filipino Proverbs Into English We surely understand the wisdom of these Filipino proverbs. But what if we had to explain them to a foreigner? Translate preserving the meaning. Check out all of our exciting videos -on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Heart Evangelista shares her dad's humble beginnings in latest vlog

Heart Evangelista shares her dad's humble beginnings in latest vlog

Mahirap lang noon! Heart Evangelista reveals her dad's humble beginnings in latest vlog
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel