Video ng gym na nag-ala disco, pumalo na sa mahigit 1.2 million views

Video ng gym na nag-ala disco, pumalo na sa mahigit 1.2 million views

- Marami ang namangha sa gym na nagmistulang disco dahil sa naiiba nitong konsepto ng pag-workout

- May DJ ang gym na nagpaaptugtog ng nakakaindak na musika habang sabay-sabay sila ng steps sa pag-eehersisyo

- Umabot na sa mahigit 1.2 million views ang naturang post

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena sa social media ang kakaibang konsepto ng gym na ito na nagmistulang disco.

Binahagi ng Tee Radio ang video ng isang gym na mayroong disc jockey na siyang nagpapatugtog ng nakakaindak na musika.

Lalo tuloy ganado sa pagwo-workout ang mga nandoon. Mapapansin ding mayroon silang sabay-sabay na step sa saliw ng tugtugin.

May caption ang post na "yung ganito sa gym, mapapadala ang punta mo" dahil sa para ka na rin daw nakapunta sa isang disco party.

Kaya naman ang mga netizens ay nagpahayag na nais din nilang makaranas ng ganitong klaseng eksena sa gym.

Link: https://www.facebook.com/teeradio/videos/681043515686344/?story_fbid=2338674392868370&id=129273093808522

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang kanilang mga komento:

"Nag disco ka na nakapag gym ka pa..masaya to!!! Then pag uhaw ka na.. Tagay tagay na nalang wag na ang water.. Papayat ka agad dito.."
"magiging regular ako sa gym pag ganto"
"healthy party exercise.. nice one mga idol.."
"sa mga mahilig gumimik dahil wala sa oras dahil sa kakagym. dinala na po nila ung discohan sa gym hahaha ayos....."
"Tried this once, t'was fun and you'll really get motivated to work out more than the usual"
"Galing healthy party.. san toh??"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Actor Baron Geisler in a very sincere and powerful interview to HumanMeter speaks about the tough years of his alcohol addiction and about how he found his way out of this complicated situation.

Baron Geisler: I'm In Love With God | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel