Go: Pres. Duterte, pinagre-resign ang presidente at board members ng Philhealth

Go: Pres. Duterte, pinagre-resign ang presidente at board members ng Philhealth

-Pinagsusumite na ni President Duterte ng resignation ang presidente at board members ng Philhealth ayon kay senator-elect Bong Go

-Kasunod ito ng pagsabog ng balita kaugnay sa ghost dialysis scam na una nang inilahad ng pangulo

-Iniutos na rin ng pangulo na sampahan ng reklamo ang mga empleyado ng Philhealth na may kinalaman rito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Pinagsusumite na ni Pangulong Rodrigo Duterte ng courtesy resignations si Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) president Roy Ferrer at mga board members nito.

Kasunod ito ng maanumalyang ghost dialysis scam na una nang inilahad ng pangulo.

Si Senator-elect Christopher “Bong” Go mismo ang siyang nagsabi nito sa media ngayong Lunes bago ang nakatakdang meeting PRRD sa pamunuan ng Philhealth.

"If Philhealth officials don't want to submit courtesy resignation, they will be terminated," ani Senator Go press conference kanina.

Ayon sa ulat ng GMA News, isa-suggest rin daw ni Go sa pangulo na palitan rin ang mga regional vice presidents.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"Command responsibility. Hinayaan nilang makalusot sa kanila since 2016. Hindi po katanggap-tanggap itong nangyaring ito," sabi pa ng senador.

"Meron silang bangayan diyan sa baba, may friction sila kaya ito pumutok. Buti na rin na lumabas ang ganitong pangyayari para hindi na po maulit." dagdag nito.

Ayon pa sa ulat, sinabi ni Go na humahanap na ang pangulo ng posibleng ipapalit na opisyal ng Philhealth na magiging istrikto sa paghawak ng pondo nito.

Ngunit nanatili raw ang paniniwala ni Pangulong Duterte sa integridad at katapatan ni Ferrer sa kabila ng isyu na ito.

Una nang ipinag-utos ng presidente ang pagsasampa ng kaso laban sa mga opisyal at empleyado ng Philhealth na sangkot sa ghost dialysis scam.

Kasabay nito ang direktang utos mula kay PRRD sa National Bureau of Investigation (NBI) na arestuhin ang mga may-ari ng WellMed Dialysis & Laboratory Center Corp. na siya umanong sangkot sa scam.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Translate Filipino Proverbs Into English

We surely understand the wisdom of these Filipino proverbs. But what if we had to explain them to a foreigner? Translate preserving the meaning. Check out all of our exciting videos -on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Grab food delivery riders chip in to help co-rider

Grab food delivery riders chip in to help co-rider

Grab food delivery riders chip in to help co-rider
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel