Getting to know Miss Universe Philippines 2019 Gazini Christiana Ganados

Getting to know Miss Universe Philippines 2019 Gazini Christiana Ganados

- Kagabi, kinoronahan na ang bagong Miss Universe Philippines 2019

- At ito ay walang iba kung di si Gazini Christiana Ganados na nagmula sa Talisay, Cebu

- Ngayon, sisilipin at kikilalanin natin ang bagong magrepresenta ng Pilipinas sa world stage

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nalaman ng KAMI na ang newly crowned Miss Universe Philippines 2019 na si Gazini Christiana Ganados ay ipinanganak noong December 26, 1995, sa Dapitan City sa Zamboanga del Norte.

Ang pamilya ng 23-year-old beauty queen ay lumipat sa Talisay City sa Cebu noong 5 years old pa lang siya dahil sa negosyo.

Si Gazini ay ang one and only child ng kanyang mga magulang at graduate ng Tourism Associate sa University of San Jose Recoletos sa Cebu.

Ang 5-foot-8 stunner ay nag-umpisa bilang modelo sa edad na 15 years old, nang siya ay madiskubre ni Sven Chua, ang lalaki sa likod ng 'Origin Model & Artist Management.

Ang huli ay ang parehong ahensiya na nag-produce kay Miss Earth 2014 Jamie Herrell, ayon pa sa ulat na una naming naispatan sa cebudailynews.inquirer.net.

Pagkatapos daw sumali sa team ni Chua ay nanalong Miss Milo Little Olympics 2011 si Gazini at naging 2nd runner-up sa 'Reyna ng Aliwan 2015,' at naging 'Miss Cesafi 2016,' sa pagpapatuloy pa ng balita.

Ginanap ang coronation night kahapon, Linggo, June 9, 2019 sa Smart Araneta Coliseum.

At nasungkit nga ni Gazini Christiana Ganados ang korona at titulong Miss Universe Philippines 2019 sa naganap na contest.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our team went out to the streets again to ask “Tricky Questions” to our fellow kababayans.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Grab food delivery riders chip in to help co-rider

Grab food delivery riders chip in to help co-rider

Grab food delivery riders chip in to help co-rider
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel