Estudyante, gumawa ng sariling upuan dahil wala siyang magamit sa paaralan

Estudyante, gumawa ng sariling upuan dahil wala siyang magamit sa paaralan

- Hinangaan ang estudyanteng ito na naisipang gumawa ng sarili niyang upuan sa kanilang paaralan

- Nagawa lamang daw niya ito dahil mahirap ang walang upuan sa klase

- Kinulang raw kasi ng upuan ang kanilang paaralan kaya naisipan niya itong gawin

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naging agaw pansin ang ginawa ng isang estudyante sa kung saan gumawa siya ng sarili niyang upuan may magamit sa klase.

Ayon sa ulat ni Cecille Villarosa ng GMA news, kinulang na raw ng mga upuan ang Jose De Villa National High School sa Calabanga, Camarines Sur.

Napilitang maupo na lamang sa sahig ang mga estudyante na di naman din talaga madali sa ilang oras na klase.

Kaya naman ang 15 anyos na si Miguel Galarde ay gumawa ng paraan at lumikha ng sarili niyang upuan at mesa na magagamit sa klase.

"Ginawa ko lang po ‘to dahil mahirap man po sa akin na, sa amin pong lahat, na wala pong upuan. Naisip ko po na siguro gumawa po ako ng upuan para komportable naman po ako sa pagsusulat," pahayag ni Miguel.

Estudyante, gumawa ng sariling upuan dahil wala siyang magamit sa paaralan
source: GMA news
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

mabuti na lamang at may nagkalat na mga piraso ng kahoy sa kanilang bahay na siyang ginamit niya bilang materyales.

Tinulungan din siya ng kanyang kapatid sa pagbuo ng silya.

Samantala, natuwa naman ang guro ni Miguel sa pagiging madiskarte at maabilidad nito. Imbis na magreklamo sa kakulangan ng pasilidad, ginawan na mismo ng paraan ng bata ang kanilang sitwasyon.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Actor Baron Geisler in a very sincere and powerful interview to HumanMeter speaks about the tough years of his alcohol addiction and about how he found his way out of this complicated situation.

Baron Geisler: I'm In Love With God | HumanMeter

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica