Binansagang "pambansang tsismosa", nagtapos pala ng 3 kurso sa kolehiyo

Binansagang "pambansang tsismosa", nagtapos pala ng 3 kurso sa kolehiyo

-Matapos na mapasama sa "Juan for all, all for Juan" segment ng Eat Bulaga, binansagan ng "pambansang tsismosa" ang ginang na si aling Hising

-Ngunit hindi basta-basta ang ginang na ito dahil tatlong kurso pala ang tinapos niya

-Bukod rito, pawang mga cumlaude rin ang mga anak nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nag-viral muli ang isa sa mga 'di makakalimutang episode ng "Juan for all, all for Juan" segment ng longest running noontime variety show na Eat Bulaga.

Kung saan isang ginang ang nagpahalakhak sa maraming audience at viewers nito at nabansagang "pamabansang tsismosa".

Limang taon na ang nakakalipas nang mapasama si Gliceria de Leon o aling Hising sa nasabing segment.

Dahil sa kanyang ipinamalas na kabibohan at pagkamadaldal, naaliw ni aling Hising ang milyong-milyong Pilipino nang mag-viral ito sa social media.

At kahit pa nga na-bash siya dahil sa pagiging tsismosa, hindi na raw ito pinansin pa ng ginang.

Sa programang IJuander ng GMA News, nagkaroon ng pagkakataon na mas makilala pa ang binansagang "pambansang tsismosa".

"Sa mga nangutya sa akin hindi ako naiinis, kasi kilala ko kung sino ako. Why should I entertain them? Wala akong pakialam, hindi naman ako humihingi ng ikabubuhay sa kanila," anito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

At hindi basta-basta ang ginang dahil tatlong kurso lang naman ang tinapos nito sa kolehiyo.

Natapos ni aling Hising ang mga kursong Bachelor of Science in Business Management, Business Entrepreneurship, at may master's degree sa Local Administration.

And wait, there's more! Dahil maging ang kanyang tatlong anak ay pawang mga consistent achiever!

Lahat sila nagtapos ng valedictorian noong high school at dalawa sa kanila ang cumlaude at isang magna cumlaude nang magtapos naman sa kolehiyo.

At ayon kay aling Hising ay natuwa sa kanya ang mga anak noong araw na iyon.

Ngunit sabi naman nito, likas lamang siyang madaldal at hindi namang nagpapakalat ng tsismis.

Bukod kasi sa makagawian na niya ang pagiging madaldal ay araw-araw din siyang nakikisalamuha sa tao dahil sa kanyang trabaho.

Kaya daw siguro madalas siyang mapagkamalang tsismosa.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: What Is The Meaning Of 'Petsa De Peligro'? Can you answer all these questions without using Google? The people in the streets who answered our tricky questions will make you laugh out loud! Check out all of our exciting videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Crystal Brosas opens up about her wish for her mother K Brosas

Crystal Brosas opens up about her wish for her mother K Brosas

Crystal Brosas opens up about her wish for her mother K Brosas
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel