Bill ng tubig sa 'di pa natitirahang bahay, umabot sa mahigit P40K

Bill ng tubig sa 'di pa natitirahang bahay, umabot sa mahigit P40K

-Masama ang loob ng isang konsyumer ng Manila Water dahil sa napakalaking bill na kanilang kailangang bayaran

-Ang masaklap pa roon, hindi naman nila napakinabangan ang tubig dahil hindi pa nila natitirahan ang bahay

-Ngunit ayon sa Manila Water, kailangan itong bayaran ng konsyumer

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi matanggap ng isang konsyumer ang napakalaking bill nila sa tubig para sa bahay na hindi pa man din nila natitirahan

Hindi pa nga natatapos ang bahay ng konsyumer na si Tina Palacios sa Pateros ngunit umabot na sa mahigit P40,000 ang bill nila.

Ang masaklap pa ay hindi naman nila nagamit ang tubig.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, idinulog na ito ni Palacios sa Manila Water at wala naman raw nakitang pinsala ang nag-inspeksyon doon.

“Pinuntahan nila dito. Nagtaka nga rin ’yung nag-inspect kasi wala naman siyang nakitang any problem sa bahay,” sabi nito sa panayam.

Hanggang sa lumabas sa imbestigasyon na may tagas raw ang tubo pagkalagpas ng metro sa ilalim ng lupa nila Palacios.

At sabi ng Manila Water ay ang konsyumer ang kailangang sumagot sa gastusin kung gusto nila itong ipa-ayos.

“Lahat po ng ating linya pagkatapos ng metro ay responsibilidad po ng customer,” ayon kay Dittie Galang, spokesperson ng Manila Water.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Bukod rito, no choice si Palacios kung hindi bayaran ang mahigit P40,000 na bill nila sa tubig ayon kay Galang.

Pero binigyan naman ito ng option ng Manila Water.

Maaaring bayaran muna ni Palacios ang kalahati ng bill habang ang natitirang kalahati ay babayaran nito sa loob ng anim na buwan.

Ganunpaman, ikinasama pa rin ng loob ito ni Palacios.

Anito, sana raw ay binigyan sila ng konsiderasyon dahil wala namang nakinabang sa tubig.

Samantala, una nang naiulat ng KAMI ang isa pang insidente katulad nito kung saan isang konsyumer rin ang nagreklamo sa kanyang bill sa tubig na umabot sa mahigit P90,000.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: What Is The Meaning Of 'Petsa De Peligro'? Can you answer all these questions without using Google? The people in the streets who answered our tricky questions will make you laugh out loud! Check out all of our exciting videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Final episode: Scammer, lumuhod at nagmakaawa kay ate na OFW na nakuhaan niya ng halos 1M

Final episode: Scammer, lumuhod at nagmakaawa kay ate na OFW na nakuhaan niya ng halos 1M

Final episode: Scammer, lumuhod at nagmakaawa kay ate na OFW na nakuhaan niya ng halos 1M
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel