Video ng mag-amang aakalaing totoong nag-uusap, 52 million views na

Video ng mag-amang aakalaing totoong nag-uusap, 52 million views na

- Viral ang video ng mag-amang tila nagdidiskusyon sa pinanonood na TV show

- Ang nakatutuwa raw kasi sa video, hindi pa talaga nakapagsasalita ang 19 na buwang sanggol

- Umabot na sa 52 million views ang nakatutuwang video na ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang naaliw at namangha sa viral video na ito ng isang komedyante Sa Amerika na si DJ Pryor.

Sa Facebook post na binahagi ng kanyang misis na si Shanieke Pryor, makikita si DJ at ang kanyang 19 na buwang anak na si Kingston habang nanonood ito ng progrmang "Empire" sa telebisyon.

Nakiupo na lamang daw bigla si Kingston sa ama na animo'y nakikipagkwentuhan na sa ama ng nangyari sa 'finale' ng nasabing programa.

Ang nakakatuwa kasi rito, hindi pa talaga nakapagsasalita ang sanggol ngunit aakalain talagang nagdidiskusyon sila.

May kasama pa itong mga galaw ng kamay na animo'y nagkokomento talaga ang sanggol sa naturang programa habang ang ama naman ay sinasakyan ang sinasabi ng anak na parang naiintindihan niya nga ito.

Narito ang viral video:

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Marami ang naaliw sa video ng ito nina DJ at Pryor at umabot na nga ito sa mahigit 52 million views mula nang maibahagi nitong Martes.

Hindi nga raw inakala ng komedyante na viral na ang video nilang mag-ama kung hindi pa siya nakuhang i-text ng isa niyang kaibigan at sinabing milyon na ang views ng video nila.

Samantala, tuwan-tuwa naman si DJ sa anak na si Kingston sa pagkabibo nito.

"He knows he's the star. He walks around like he's a star," pagtatapos ni DJ sa panayam sa kanya ng CNN.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Actor Baron Geisler in a very sincere and powerful interview to HumanMeter speaks about the tough years of his alcohol addiction and about how he found his way out of this complicated situation.

Baron Geisler: I'm In Love With God | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel