Post patungkol sa 'family picture', ikinalungkot ng ilang netizens

Post patungkol sa 'family picture', ikinalungkot ng ilang netizens

- Viral ang isang simpleng post ng estudyante patungkol sa kanilang assignment

- Maraming netizens ang bigla raw nalungkot nang makita ang post na may nakakantig na caption

- Umano ang naturang post ng iba't ibang reaksyon na umabot na sa 21,000 at 79,000 shares

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena ngayon ang post ng netizen na si Miko Sy kung saan binahagi iya ang assignment nila sa paaralan.

Makikita sa larawan ng kanyang post ang notebook na may nakasulat na "Assignment: Bring family picture."

Sa una'y aakalaing simpleng takdang-aralin lamang ito ngunit ang nakapagpabago ng kahulugan nito ay ang caption ni Miko na "every broken family weakness."

Maraming netizens ang nagpahayag ng kalungkutan at tila naka-relate sa ganitong sitwasyon.

Habang ang iba raw kasi ay masayang nagdidikit ng larawan ng kanilang pamilya sa kanilang kuwaderno, mayroon ding iba na walang assignment dahil sa wala silang 'pamilya' na maituring.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga nakakadurog na pusong komento:

"Naiyak ako bigla, simple lang yung assignment pero tagos sa puso"
"Medyo unfair nga e, yung iba proud pa na may assignment sila, ako tas ibang classmates ko nganga"
"Pag ganito, ibang fam pic ang dadalhin ko. wala ako nun e..."
"yung iba tuwang tuwa pa palibhasa hindi nila nafefeel yung broken family."
"hindi biro ang ganito, masakit kaya sa mga gaya kong broken family"
"Sakit sa puso, pano nga yung walang fam pic? sad."

Umani ng iba't ibang reaksyon ang post at maging si Miko ay di makapaniwalang 79,000 shares na ang kanyang tagos sa puso ng post.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Actor Baron Geisler in a very sincere and powerful interview to HumanMeter speaks about the tough years of his alcohol addiction and about how he found his way out of this complicated situation.

Baron Geisler: I'm In Love With God | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Kiana Valenciano, kinuyog ng mga netizens matapos kumain ng balut

Kiana Valenciano, kinuyog ng mga netizens matapos kumain ng balut

Kiana Valenciano, kinuyog ng netizens matapos kumain ng balut
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel