Grad pic na ginamitan lang ng cartolina, patok sa mga netizens

Grad pic na ginamitan lang ng cartolina, patok sa mga netizens

- Kinagiliwan sa Twitter ang post ng netizen na si Ian Obrero dahil sa graduation picture na ginamitan lamang ng itim na cartolina

- Nagpakuha raw ng larawan ang kaibigan at naisip niyang cartolina na lang ang gamitin

- Sa ganda ng kinalabasan, halos di makapaniwala ang mga netizen at inakalang totoong studio ang pinagkunan ng larawan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binahagi ng netizen na si @ianobrero sa kanyang Twitter ang graduation picture ng kanyang kaibigan na siya ang kumuha.

Kwento ni Ian, nakiusap ang kanyang kaibigan na kuhanan siya ng graduation picture. Dahil wala siyang studio, naisip niyang pabilihin ito ng itim na kartolina at pulbo.

Mapapansin sa kaliwa ang before o ang raw na kuha ng larawan at sa kanan naman ang edited. Dagdag ni Ian, isang flash at photoshop lamang daw ang katapat ng photo shoot na ito at maayos naman ang kinalabasan.

Aakalain mong kuha ito sa isang studio kung di pa nilantad ni Ian na cartolina lamang ang backdrop nito.

Dahil naging matagumpay ang improvised photo shoot na ito, nag-alok pa si Ian sa mga nais magpakuha ng larawan sa kanya. Magdala lamang daw ang mga nais magpakuha ng barong o Filipiniana at tuloy na ang kanilang instant photoshoot.

Samantala, inulan namang ng mga positibong komento ang mga larawang kuha ni Ian.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa mga naging reaksiyon ng mga netizens:

"angas! hahaha pulbos lang pala katapat nung effect sa bg"
"wow naman akala mo nasa studio... teka, studio ba to?"
"ang galing. e pwede naman palang ganito e!"
"Mairaraos naman pala ng cartolina at pulbo lang e!"
"Madiskarte! i-negosyo mo na yan!"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Actor Baron Geisler in a very sincere and powerful interview to HumanMeter speaks about the tough years of his alcohol addiction and about how he found his way out of this complicated situation.

Baron Geisler: I'm In Love With God | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Final episode: Scammer, lumuhod at nagmakaawa kay ate na OFW na nakuhaan niya ng halos 1M

Final episode: Scammer, lumuhod at nagmakaawa kay ate na OFW na nakuhaan niya ng halos 1M

Final episode: Scammer, lumuhod at nagmakaawa kay ate na OFW na nakuhaan niya ng halos 1M
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel