Guro sa South Cotabato, ginawang makulay na pader ang mga sirang upuan ng paaralan

Guro sa South Cotabato, ginawang makulay na pader ang mga sirang upuan ng paaralan

- Nag-viral ang ginawang proyekto ng isang guro sa South Cotabato

- Imbis na itapon na lamang ang mga sirang upuan ng paaralan, pinira-piraso niya ito at ginawang dingding

- Humanga ang mga netizens sa naisip gawin ng gurong ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hinangaan ang gurong si Reynel Calmerin dahil sa ginawa niyang pag-recycle at pag-re-use ng mga sirang upuan ng paaralan para makabuo ng makulay na dingding.

Ayon sa post mismo ng guro, pinakita niya kung saan mismo galing ang mga makulay na piraso na ginawa niyang disenyo ng dingding ng silid niya sa Polomolok Central Elementary School sa South Cotabato.

Nilinaw ng guro na di raw niya intensyong sirain ang mga upuan. Sadyang sira na ito at imbis na ibasura, naisip niyang gawin itong disenyo ng pader ng kanyang classroom.

Bukod sa mga sirang upuan, ginamit din niya ang sirang lababo upang mas maging matibay ang kanyang dingding.

Kapansin-pansing mabusising ginawa ng guro ang kanyang obra na ito dahil sa naisipan niyang gawing kapaki-pakinabang pa ang mga sirang materyales.

Dahil dito nag-viral ang kanyang post sa dami ng bumilib sa kanyang ginawa.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento na panay papuri sa guro:

"Dapat kang tlaran sir! kaya talagang dapat itaas ang sahod ng guro"
"Galing mo sir! nakakabilib din ang tiyaga mo sa paggawa"
"Wow! ang mo po sir... napagtiyagaan mong gawin yan!"
"Masipag at mahusay! tunay na kahanga-hanga!"
"Ang galing mo sir! ito dapat ang ginagawa sa brigada"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Actor Baron Geisler in a very sincere and powerful interview to HumanMeter speaks about the tough years of his alcohol addiction and about how he found his way out of this complicated situation.

Baron Geisler: I'm In Love With God | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Hosts of ‘It’s Showtime’ panic because of what happened to a ‘KapareWho’ contestant

Hosts of ‘It’s Showtime’ panic because of what happened to a ‘KapareWho’ contestant

‘It’s Showtime’ hosts panic because of what happened to a ‘KapareWho’ contestant
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel