Nanay, bitbit 9-month old baby habang namamasada ng traysikel sa Divisoria

Nanay, bitbit 9-month old baby habang namamasada ng traysikel sa Divisoria

- Isang larawan ng mag-ina ang umantig sa puso ng mga netizens

- Si nanay, bumibiyahe ng traysikel habang bitbit ang 9-month old na baby

- Maraming netizens ang humanga sa pagmamahal na ipinakita ng ina para sa anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Totoo ang kasabihan na gagawin ng isang ina ang lahat alang-alaang sa anak.

Ito ang ipinakita ng isang ina na bumibiyahe ng traysikel pero bitbit ang 9-buwang anak.

Nalaman ng KAMI na noong una, akala ng netizen ay nag-aantay si ate ng asawang magdadrive ng traysikel.

Pero nabigla ang netizen nang sinabihan siya ni ate na ihahatid daw siya nito.

Si ate ang driver at kasa-kasama ang 9-buwang baby habang nagbibiyahe.

Tinanong si ate driver kung bakit kasama niya si baby. Simple lang ang naging sagot niya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Wala siya kasing mapag-iwanan ng kanyang anak kaya dinadala niya. Biyuda na rin si ate at may tatlong anak, ang 9-month-old na karga niya ang kanyang bunso.

Napahanga ang netizen kay ate dahil sa ipinamalas na kasipagan.

Sabay nito'y nakaramdam din ng awa ang netizen sa baby na nalalanghap lahat ng usok at alikabok sa daan.

Pero laban lang si ate! Sabi nga ng netizen, pag may gusto may paraan, pag ayaw, maraming dahilan.

Sabi nga ni ate:

"5am palang namamsada na cya para pang almusal nilang magiina.. at binuhuhat nya na galing sa higaan si baby sinasama na nya..sabi nya sakin...di naman kami hirap na hirap nun kc messenger ng bangko yung asawa ko..pero nung namatay cya kailangan ko talagang gawin to..para mabuhay kami.. sabi nya nga daw sa mga anak nya..na gusto ko ng bumitaw nalang din sa pagod sa hirap..pero pagnakikita nya na maayos ang mga anak nya,mababait mga anak ko..lumalakas ako..."

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: What Is The Meaning Of 'Petsa De Peligro'? | HumanMeter Can you answer all these questions without googling them?

Source: Kami.com.ph

Related news
Kris Aquino finally reveals reason she deactivated her social media account

Kris Aquino finally reveals reason she deactivated her social media account

Kris Aquino finally reveals reason she deactivated her social media account
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel