Vice Ganda, may diretsahang sagot tungkol sa mga bashers ng 'Idol Philippines'

Vice Ganda, may diretsahang sagot tungkol sa mga bashers ng 'Idol Philippines'

- May diretsahang sagot si Vice Ganda tungkol sa mga bashers ng 'Idol Philippines'

- Isa si Vice sa apat na hurado ng naturang reality talent show ng Kapamilya network

- Kabilang sa mga judges ay sina James Reid, Moira Dela Torre, at Regine Velasquez

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Diretsahang sinagot ni Vice Ganda ang mga bashers ng bagong Kapamilya reality talents how na 'Idol Philippines,' kung saan isa siya sa mga judges at spotted ng KAMI ang tugon niya sa mga bumabatikos sa show.

Ani pa ni Vice tungkol sa mga bashers:

“Wala! E mga basher nga ‘yan, bakit ako mag explain sa kanila?”

Ito ang diretsahan na tugon ni GGV at It's Showtime host Vice Ganda sa naganap na book launch para sa kanyang self titled book na may pamagat na 'Jose Marie Viceral: Tutoy.'

Patuloy pa na pahayag ng Unkabogable Phenomenal Superstar tungkol sa mga bumabatikso sa kanilang show:

“Kahit anong explain mo ‘yung mga taong ayaw sa iyo, kahit anong explain mo hindi makikinig. Pero ‘yung mga taong mahal ka, kahit hindi mag explain mauunawan ka."

Sa pagwawakas niya sa naturang isyu ay may ipinaliwanag siya.

Sabi pa niya:

“Lahat naman ng tao may masasabi sa isa’t isa. That’s life accepted ko na ‘yun."

Kasama ni Vice Ganda bilang hurado ng 'Idol Philippines' sina James Reid, Moira Dela Torre, at Regine Velasquez.

Ang tatlong hurado ay hindi rin nakaligtas sa mga mapanuring mga mata ng TV viewers tuwing eere ang episode ng nasabing programa.

Habang maraming mga bashers ay marami na ring tinulungan si Vice lalong lalo na sa programang It's Showtime at ang pinakahuli ay ang pagtupad sa pangarap ng isang ina ng TNT contender.

Panoorin sa baba ang mensahe ni Vice tungkol sa mga bashers:

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our team went out to the streets again to ask “Tricky Questions” to our fellow kababayans.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel