Ben Tulfo, sinupalpal si Bautista sa mga kondisyon nito para mapatawad si Erwin

Ben Tulfo, sinupalpal si Bautista sa mga kondisyon nito para mapatawad si Erwin

-Hindi nagustuhan ni Ben Tulfo ang pagbibigay ni DWSD Chief Rolando Bautista ng mga kondisyon bago tanggapin ang sorry ng kanyang kapatid

-Matatandaang sinabi ni Bautista na kailangang mag-public apology si Erwin sa kanya sa mga media outlet at magdonate ng P300K sa tinatayang 19 charities

-Samantala, nauna nang nagbigay ng pahayag ang isa pa nilang kapatid na si Raffy Tulfo kaugnay ng pagkakagisa sa kanilang magkakapatid dahil sa isyu

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang araw matapos ipahayag ni Social Welfare Secretary Rolando Bautista ang kanyang mga kondisyon para tanggapin ang sorry ni Erwin Tulfo, may naging maanghang naman na sagot rito si Ben Tulfo.

Sa pamamagitan ng kanyang social media accounts, kinundena ni Ben si chief Bautista sa mga sinabi nitong kondisyones, maging ang pag-back up rito ng mga miyembro ng PMA alumni.

"P***** na "brotherhood"! Ang KAKAPAL! Ayon sa kumag na OIC, mag-sorry daw sa lahat ng media outlet. 'BUTAW' na P300k kinakailangan para mahugasan ang kasalanan," ani Ben sa isa nitong tweet noong Sabado.

"Tsong, daig mo pa si Padre Damaso at mga kolokoy na kauri mo! Nagpapatawa ka ba?!" dagdag pa nito.

Naging mainit na usapan sa bansa ang isyu sa pagitan ni Erwin at ng DSWD chief matapos murahin ng broadcast journalist ang huli nang 'di ito napagbigyan ng isang panayam mula kay Bautista.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Samantala, tunirada rin si Ben sa kanyang Facebook account ayon naman sa ulat ng ABS-CBN News.

"Sa palagay niyo kaya mananahimik lang ako’t hahayaan ko ‘tong mga kumag, kenkoy at kolokoy na maghari-harian?" anito sa FB post.

"Patikim ko ng konting sapak nang matauhan at magisip-isip. Hindi lang sila ang may mga b****. Pare-pareho tayong may mga b****, 'wag na tayong maglokohan pa!"

Una nang nagbigay ng pahayag sila Raffy at Mon Tulfo kaugnay sa isyung kinakaharap ng kanilang kapatid.

Ayon kay Raffy, bagamat may pagkakamali ang kapatid, hindi pa rin ito dapat alisan ng karapatan na magkaroon ng proteksyon sa sarili.

Sa isang report ng KAMI, sinabi ni Raffy na mayroong mga banta sa buhay ang kapatid at kailangan nito ng baril para proteksyunan ang sarili.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: What Is The Meaning Of 'Petsa De Peligro'? Can you answer all these questions without using Google? The people in the streets who answered our tricky questions will make you laugh out loud! Check out all of our exciting videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Celebs react on boat incident between PH and China: 'Daplis lang? Wow!’

Celebs react on boat incident between PH and China: 'Daplis lang? Wow!’

Celebs react on boat incident between PH and China: 'Daplis lang? Wow!’
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel