Idol Raffy, tinupad ang kahilingan ng lumuluhang inang may malubhang sakit ang 4-anyos na anak

Idol Raffy, tinupad ang kahilingan ng lumuluhang inang may malubhang sakit ang 4-anyos na anak

- Dumulog ang isang ina sa tanggapan ng Raffy Tulfo in Action para sa kanyang anak

- Ito ay may malubhang sakit, di nakakakain at tanging gatas at gamot ang sumusustento sa kanya

- Tinupad ni Idol ang hininging tulong ng ina para sa gatas at gamot ng anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dumulog si Solaila Pamintuan, 36, sa Raffy Tulfo in Action at humingi ng tulong kay Idol para sa 4-anyos na anak na may malubhang sakit.

May sakit sa dugo si Karl Irish Delfin kung saan nauubusan ng oxygen ang kanyang brain. Di rin siya nakakakain ng solids. PediaSure lang ang nagbibigay nutrisyon sa katawan niya.

Nalaman ng KAMI na inoperahan si Karl at umabot na sa P200,000 ang bill sa ospital, na akala nilang mag-asawa ay di sila makakalabas ng ospital.

Buti na lang at nakahingi sila ng tulong sa PAGCOR kung saan CCTV operator ang asawa ni Solaila. Sa emergency fund ng kumpanya sila nakakuha ng tulong.

Sabi ni Solaila kay Idol, dahil sa pangangailangan ng anak, nakasanla na ang ATM ng asawa at walang-wala na sila.

Yung panganay niyang anak ay nagtitiis para sa kanyang nakababatang kapatid.

Naantig ang puso ni Idol at isinakatuparan ang mga hiling ni Solaila para sa anak na tinawag ng kanyang mga doktor na "brave boy" dahil kahit na nilalagyan ng dextrose ay di umiiyak.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Binilhan nila ng Pediasure, gamot at mga diaper ang bata.

Maraming netizens ang nag-send ng prayers nila sa pamilya ni Solaila at may mga nagpasalamat din kay Idol para sa tulong na ibinigay niya.

Tears in my eyes God bless Tulfo family Long Live !Your helping hands was delightful to those who are needy.
Sending my prayers for your speedy recovery brave boy
Get well son baby..God bless
Get well soon Boy! God blessed you and also to Idol Raffy
God will heal you brave boy Karl. God bless you
GODBLESS U LITTLE BOY AND UR FAMILY... GOD WILL HEALED U SOON... GODBLESS PO SIR RAFFY

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: What Is The Meaning Of 'Petsa De Peligro'? | HumanMeter Can you answer all these questions without googling them?

Source: Kami.com.ph

Related news
Final episode: Scammer, lumuhod at nagmakaawa kay ate na OFW na nakuhaan niya ng halos 1 milyon

Final episode: Scammer, lumuhod at nagmakaawa kay ate na OFW na nakuhaan niya ng halos 1 milyon

Final episode: Scammer, lumuhod at nagmakaawa kay ate na OFW na nakuhaan niya ng halos 1M
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel