Facebook, maaring di na ma-install sa mga Huawei phones
- Nag-anunsyo na ang Facebook na maging sila ay di na maaring ma-install sa mga Huawei devices
- Ito ay alinsunod sa kautusan ni US President Donald Trump ng pag-aalis ugnayan sa nasabing Chinese company
- Una nang nag-anunsyo ang Google nitong nakaraang buwan kung saan di na rin mada-download ang Google app store
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Sumunod nang nang-anunsyo ang Facebook na di na maaring ma-install sa mga Huawei devices ang kanilang application sa mga darating na araw.
Ayon sa ulat ni Julie Charpentrat ng Agence France-Presse at Philstar Global, ito ay kaugnay nang kautusan ni United States President Donald Trump dahil pagpuputol ng anumang ugnayan sa Huawei.
"We are reviewing the Commerce Department's final rule and the more recently issued temporary general license and taking steps to ensure compliance," pahayag ng spokesperson ng Facebook.
Binigyang linaw naman nila na ang mga dati nang Huawei users ay patuloy pa rin namang magamit ang kanilang application. Makakapag-update pa rin sila ng kanilang dati nang FB accounts. Ang mangyayari, mawawala na rin sa mga pre-installed apps ang Facebook.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Maaalalang nito lamang nakaraang buwan, una nang nag-anunsyo ang Google ng pag-aalis ugnayan sa Huawei kaugnay pa rin ng kautusan ng pangulo ng Amerika.
Hindi na rin maaring makapag-install sa mga susunod na araw ang mga Huawei users ng Google playstore na siyang pinagkukunan ng iba't ibang social media platforms.
Mayo 15 ng kasalukuyang taon nang magbigay namag ng 90 na araw ang administrasyon ng nabanggit na bansa upang makapag-update pa ang mga datihan nang Huawei users at maiwasang magkaproblema sa mga susunod na araw.
Samantala, nilinaw naman ng Huawei na bilang solusyon sa napipintong pagbabago na ito, magkakaroon sila ng sariling operating system kapalit ng Google.
Nag-umpisa ang mga problemang ito nang kwestyunin ng Pangulo ng Amerika di umano'y posibleng pag-iispiya ng China sa kanila gamit ang hardware ng Huawei. Dahil dito, nakita ito ni President trump na isang banta sa seguridad ng kanilang bansa.
POPULAR: Read more viral stories here
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Actor Baron Geisler in a very sincere and powerful interview to HumanMeter speaks about the tough years of his alcohol addiction and about how he found his way out of this complicated situation.
Baron Geisler: I'm In Love With God | HumanMeter
Source: KAMI.com.gh