Lolang buong buhay halos naglalabada, piniling magbalik eskwela

Lolang buong buhay halos naglalabada, piniling magbalik eskwela

- Kasabay ng 52 anyos na lola ang kanyang apo sa pagbabalik eskwela

- Grade 6 siya habang ang apo ay nasa grade 4 naman

- Bagaman at nangangapa sa una dahil sa halos buong buhay na siya naglalabada, kinakitaan naman agad ito ng determinasyon sa muling pagbabalik nito sa pag-aaral

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakakabilib talaga si Rebeca Bartolome, 52 anyos na lola mula sa Laguna dahil sa desisyon nitong magbalik muli sa paaralan matapos ang matagal na panahon.

Sa ulat ni Darlene Cay ng GMA Balitambayan, kasabay ni lola Rebeca ang kanyang apo na grade 4 sa pagpasok sa paaralan ngayong taon.

Grade 6 na si lola Rebeca at nakasuot talaga ito ng uniporme at maayos ang buhok na parang talagang estudyante.

Kwento ng lola, natigil siya noon ng pag-aaral nang mamasukan siya bilang labandera sa Taytay, Rizal.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Mula noon, paglalabada na talaga ang nagsilbing hanapbuhay niya. Sapat lamang daw talaga sa gastusin sa araw-araw ang kinikita niya sa labada.

Bagaman at aminado nangangapa sa una ang matanda dahil sa halos ka-edad lamang ng kanyang apo ang mga kaklase niya, pursigido talaga itong ipagpatuloy ang pag-aaral.

Nakita rin agad ng kanyang guro ang determinasyon ni lola Rebecca at madami naman daw itong nakisama sa kanyang mga ka-eskwela.

Isa lamang si lola Rebeca sa magandang halimbawa sa mga kabataan ngayon na nagpapakita na walang pinipiling edad ang edukasyon.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Actor Baron Geisler in a very sincere and powerful interview to HumanMeter speaks about the tough years of his alcohol addiction and about how he found his way out of this complicated situation.

Baron Geisler: I'm In Love With God | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
In-laws, pangunahing problema nilang mag-asawa ayon kay misis

In-laws, pangunahing problema nilang mag-asawa ayon kay misis

In-laws, pangunahing problema nilang mag-asawa ayon kay misis
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel