Veteran actor Eddie Garcia, bumagsak sa taping; kasalukuyang coma sa ospital

Veteran actor Eddie Garcia, bumagsak sa taping; kasalukuyang coma sa ospital

- Bumagsak habang nagti-taping ang vetern actor na si Eddie Garcia

- Kasalukuyang coma ang aktor kaya naman hinihiling ang bawat isa na mag-alay ng taimtim na dasal para sa aktor

- Si Direk Armand Reyes ang nagkumpirma ng balita na nasa ospital sa Tondo si Garcia

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agad na nai-post ng News 5 reporter ang di umano'y pagbagsak ng beteranong aktor na si Eddie Garcia habang nagti-taping para sa isang teleserye sa GMA 7.

Sa Facebook post ni Marfori, hinihiling nito ang taimtim na dasal para sa aktor na kasalukuyan na daw coma.

Kinumpirma ito ni Direk Armand Reyes at sinabing nasa isang ospital sa Tondo ang aktor na kilala rin sa tawag na "Manoy".

Nagdiwang ng ika-90 na taon niyang kaarawan ang aktor nito lamang nakaraang buwan.

Mahigit 300 na ang nagawa nitong pelikula at kinikilala na isa sa mga batikang aktor ng ating bansa.

Isa sa mga naging proyekto niya kamakailan ang teleseryeng Ang Probinsyano bilang Don Emilio at ang proyektong kanyang ginagawa naman sa GMA 7.

Samantala, agad na nagpabatid ng suporta ang ilang netizens at nagpahayag ng sinserong hangad nila na mapabuti ang kalagayan ng aktor.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Prayers for Manoy."
"Get well soon idol"
"bat kasi nagttrabaho pa siya eh matanda na sya dapat dyan nafpapahinga nalang..nasaan mga anak nya d mn lang kaya suportahan si eddie"
"Sana gumaling kana manoy"
"For the quickly recovery manoy #EddieGarcia parahay ka po"
"In Jesus name.. Gagaling po kayo Eddie Garcia!"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Actor Baron Geisler in a very sincere and powerful interview to HumanMeter speaks about the tough years of his alcohol addiction and about how he found his way out of this complicated situation.

Baron Geisler: I'm In Love With God | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Hosts of ‘It’s Showtime’ panic because of what happened to a ‘KapareWho’ contestant

Hosts of ‘It’s Showtime’ panic because of what happened to a ‘KapareWho’ contestant

‘It’s Showtime’ hosts panic because of what happened to a ‘KapareWho’ contestant
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel