Netizen, halos pakyawin na ang paninda ng matandang sinasaktan daw ng apo nito

Netizen, halos pakyawin na ang paninda ng matandang sinasaktan daw ng apo nito

- Viral ang post ng netizen patungkol sa pagtulong niya sa isang masipag na matanda

- Kahit di niya gaanong kailangan, binbili na niya ang kalahati ng mga paninda nitong basahan

- Maraming netizen ang naawa sa lola lalo pa nang malaman na sinasaktan daw ito ng kanyang apo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang nadurog ang puso sa binahaging kwento ng netizen na si Mailin Buenconsejo Tiong.

Sa kanyang post, pinakita niya ang larawan ng matandang nagtitinda ng mga doormat na madalas niyang bilhan.

Dala ng awa at malasakit sa lola, binibili na raw ni Mailin ang kalahati agad ng mga paninda ng lola para lamang maibsan ang bigat ng paninda. Syempre, para na rin makasiguro na may kitain na agad ang matanda.

Mas lalo pa raw naantig ang damdamin ng netizen sa kalagayan ng matanda nang minsang magsumbong ito na nabubugbog pa raw siya ng kanyang apo.

Napansin pa ng netizen na bali na ang braso ng matanda at may tahi pa raw ang likuran nito.

Marami ang nahabag sa kalagayan ng matanda at nagmalasakit na matulungan sa anumang paraan na kanilang makakaya tulad ng ginagawa ni Mailin.

Samantala, umani rin ng papuri si Mailin dahil dito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilang sa mga pahayag ng netizens:

"Grabe naman yang apo nia. Binubugbug nia lola nia"
"Pa kuha sana si lola and punta mo DSWD para maalagaan siya mabuti doon. Specially binubugbug pala siya ng apo nia"
"Good job ate nakatulong kn tlg sakanya"
"Di deserve ni lola ang ginagawa sa kanya ng apo, dapat magawan natin to ng paraan"
"Baka gumagamit yung apo... kawawa naman yung lola ipa-barangay si apo"

Umabot na sa nasa 10,000 reaksyon, 6,900 na komento at 12,000 shares ang naturang post.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Actor Baron Geisler in a very sincere and powerful interview to HumanMeter speaks about the tough years of his alcohol addiction and about how he found his way out of this complicated situation.

Baron Geisler: I'm In Love With God | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Sakripisyo ng ina! Neri Naig shares photo of her skin problem & reveals its cause

Sakripisyo ng ina! Neri Naig shares photo of her skin problem & reveals its cause

Sakripisyo ng ina! Neri Naig reveals photo of her skin problem & shares its cause
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel