Anak ng nakakulong sa Makati, makakapag-aral dahil sa taong dumakip sa kanyang ina

Anak ng nakakulong sa Makati, makakapag-aral dahil sa taong dumakip sa kanyang ina

- Tinulungan ng isang pulis ang 14 anyos na dalagitang si Angela na makapag-enrol ngayong panuruang taon 2019-2020

- Kinakailangan kasi ng dalagita ng 'parent o guardian' para mkapagpalista at makapag-aral ngayong taon

- Nadurog ang puso ng pulis na minsan nang nagbantay sa ina ni Angela nang ilabas pansumandali ito sa kulungan upang makapagpagamot

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakakaantig ng puso ang ginawa ng isang pulis Makati nang tulungan nitong makapag-enrol ang anak ng nahuli nilang sangkot di umano sa droga.

Sa ulat ni Dexter Cabalza ng Inquirer, nagdesisyon ang dalagitang si Angela Perez na manumbalik uli sa pag-aaral ngayong taon.

Nalaman ng KAMI na sa araw na magpapalista na sana siya, hinanapan siya magulang o tagapag-alaga ng Guidance counsellor ng paaralang General Pio del Pilar High school kung saan siya balak na mag-aral.

Kaya naman dumiretso si Angela sa inang nakapiit sa Makati Police Community Precinct 1 (PCP-1) dahil sa ang ina na lamang niya talaga ang natitirang tagapag-alaga sana ni Angela at ng kanyang apat na taong gulang na kapatid.

Ang ama kasi ni Angela ay isang beses lamang niya nakita habang ang nakatatanda naman niyang kapatid na lalaki ay may sarili nang pamilya.

Kaniusap si Angela sa mga pulis sa presinto na kinakailangan niya ng 'guardian' na siyang pipirma sa mga dokumento niya sa eskwelahan.

Di naman nagdalawang isip si Police Cpl. Claro Fornis na umaming nadurog ang puso sa kalagayan ni Angela. Naisip umano ng pulis ang kanya mismong mga anak at paano kung nasa pareho silang sitwasyon ni Angela.

source: Inquirer

Anak ng nakakulong sa Makati, nakapag-enrol dahil sa taong dumakip sa kanyang ina
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nakaabot ng pagpapalista ang 14 anyos na dalagita na minsan nang nahinto ng pag-aaral dahil sa sakit.

Sa una'y naghanap pa rin ng 'guardian' ang guidance counselor ng paaralan na tila di makapaniwalang pulis ang kasama ni Angela.

Pinanindigan na ni Police Cpl. Fornis ang pagiging guardian ni Angela at sinabing susuportahan niya ito hanggang matapos ng high school.

Lahat nang ito ay nangyari sa basbas ni Police Col. Rogelio Simon na pinayagan si Police Cpl. Fornis na samahan si Angela.

Kasamahan ni Fornis ang nakadakip sa ina ni Angela ngunit isa naman siya sa mga naging bantay nito nang minsang kailangang dalhin ito sa ospital.

Gaya ng isang tunay na magulang, pinaalalahanan ng pulis na mag-aral ng mabuti si Angelaat sikaping makapagtapos ng pag-aaral.

Laking pasalamat namang ng dalagita sa pagmamalasakit na ginawa ng pulis.

Dahil dito, inspirado si Angela na maging alagad din ng batas balang araw.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Actor Baron Geisler in a very sincere and powerful interview to HumanMeter speaks about the tough years of his alcohol addiction and about how he found his way out of this complicated situation.

Baron Geisler: I'm In Love With God | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
‘It’s Showtime’ hosts funnily faint after hearing the answer of a contestant

‘It’s Showtime’ hosts funnily faint after hearing the answer of a contestant

‘It’s Showtime’ hosts hilariously faint after hearing the answer of a contestant
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel