School canteen sa Negros, bamboo cups at coconut shell mugs na ang gamit

School canteen sa Negros, bamboo cups at coconut shell mugs na ang gamit

- Di na gumagamit ng anumang plastik ang canteen ng Bulata National High School bilang bahagi ng kanilang 'wala usik' o zero waste campaign

- Yari sa mga kawayan at mga coconut shells ang mga mangkok at mug na ginagamit ng mga estudyante na siguradong eco-friendly

- Philippines Reef and Rainforest Conservation Foundation Inc (PRRCFI) ang nasa likod ng proyektong ito na naglalayong makatulong sa pagresolba sa plastic pollution na napakalaking problema na di lamang sa bansa kundi sa buong daigdig

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Simula pa lamang ng klase noong Hunyo 3, Lunes, ipinatupad na ang 'wala usik' o zero waste campaign ng Bulata National High School sa Cauayan, Negros Occidental.

Ayon sa Rappler, di na umano gumagamit ang school canteen ng naturang paaralan ng plastik at mga bamboo cups at coconut shell mugs ang kinakainan at iniinuman ng mga bata roon.

Philippines Reef and Rainforest Conservation Foundation Inc (PRRCFI) ang nasa likod ng proyektong ito na naglalayong makatulong sa pagresolba sa plastic pollution sa buong daigdig.

“The school canteen also aims to promote healthy eating from fresh and local produce, and will avoid and discourage processed food packaged in single-use plastic,” pahayag ni Dave Albao executive director of PRRCFI.

source: PRRCFI

School canteen sa Negros, bamboo cups at coconut shell mugs na ang gamit
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kasabay ng paggamit ng mga “biodegradable, indigenous and reusable” materials ang pagkain din ng mga sariwang pagkain na siyang kayamanan din ng lugar.

Ito ang mensahe rin na makikita sa murals sa paaralan na may temang “More Fish, Not Plastic.”

Sa ngayon, kinakailangan pa rin ng suporta ng canteen para mapatakbo ng maayos ang nasimulang programa.

Isa itong napakagangdang panimula tungo sa pagresolba sa malala nang suliranin sa plastik.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Actor Baron Geisler in a very sincere and powerful interview to HumanMeter speaks about the tough years of his alcohol addiction and about how he found his way out of this complicated situation.

Baron Geisler: I'm In Love With God | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Kiana Valenciano, kinuyog ng mga netizens matapos kumain ng balut

Kiana Valenciano, kinuyog ng mga netizens matapos kumain ng balut

Kiana Valenciano, kinuyog ng netizens matapos kumain ng balut
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel