Babae, sumakit at namaga ang tiyan na hinihinalang dahil sa ininom na milk tea

Babae, sumakit at namaga ang tiyan na hinihinalang dahil sa ininom na milk tea

-Matapos ireklamo ang pananakit ng kanyang tiyan ay agad nang dinala ang isang dalagita sa pagamutan

-Nakita ring namamaga ang tiyan nito dahil sa hindi natunaw na kinain nito

-Sa pamamagitan ng CT scan, nadiskubre ang mga bilog na hugis sa loob ng kanyang tiyan na umabot na hanggang sa ibang parte ng katawan nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Matapos makaramdam ng pananakit ng tiyan sa loob ng limang araw ay agad nang dinala sa ospital ang 14-anyos na si Xiao Shen mula sa China.

Ayon sa ulat ng The Paper, isang Chinese news site, sa pamamagitan ng CT scan ay nadiskubre ang napakaraming hugis-bilog sa loob ng tiyan ng dalagita.

Sa dami nito ay umabot na ito sa iba pang parte ng katawan niya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read

Nang tanungin ng doktor ang pasyente ay napag-alamang uminom ito ng milk tea, limang araw na ang nakakaraan.

Ngunit hinala ng mga doktor ay natakot lamang daw ang bata sa mga magulang nito dahil base sa nakita sa CT scan ay tila madalas ang pag-inom nito.

Sa tingin ng mga doktor ay mga 'di natunaw na bubble tea ang mga nakitang hugis-bilog sa loob ng tiyan ni Xiao Shen.

Niresetahan na lamang ito ng panunaw upang mailabas ang mga hinihinalang 'di natunaw na bubble tea.

Dahil din dito, nagkaroon na rin daw ng pamamaga sa tiyan ng dalagita.

Samantala, ayon naman sa emergency department ng Zhuji City People's Hospital, ang mga pearl tea ay gawa sa tapioca starch na hindi madaling matunaw.

Bukod rito, ilang nagbebenta raw nito ay may idinadagdag dito upang mas maging makapal at madaling nguyain.

At ang madalas daw na intake nito ay maaaring mauwi sa gastrointestinal disorders.

Babae, sumakit at namaga ang tiyan na hinihinalang dahil sa ininom na milk tea
Photo source: The Paper
Source: Facebook

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Burger And Fries Battle: How Many Can You Eat? Our hosts Javen and Roi pick up a rough Burger and Fries Battle. Who can eat more? Let us find out! Check out all of our exciting videos – on KAMI

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone