Service crew, nagpasalamat pa rin sa customer na nanaboy sa kanya ng inumin

Service crew, nagpasalamat pa rin sa customer na nanaboy sa kanya ng inumin

- Viral ang post ng isang working student na service crew ng fast food na sinabuyan ng coke float ng kanyang customer

- Straw less ang naturang fast food kaya naman walang naibigay na straw ang crew sa customer

- Nilinaw naman ng crew na binigyan niya ang customer ng kutsara ngunit nagalit pa rin ito at nagawang itapon ang inumin sa crew

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umani ng iba't ibang reaksyon ang isa na namang pananboy na ginawa ng isang customer sa crew ng isang fast food.

Imbis na sumama ang loob, kalmadong nagpasalamat pa sa pamamagitang ng isang post ang service crew na si Prince Aldy sa kanyang Facebook.

Papasok pa sana siya sa paaralan mula trabaho kaya naman nakasuot na raw siya ng puting t-shirt sa loob ng uniporme niya sa trabaho. Ngunit sa kasamaang palad, isang di inaasahang pangyayari ang naganap kaya marumi siyang papasok.

Tulad ng naunang naibalita ng KAMI, straw less ang fast food kung saan siya nagtatrabaho. Kaya naman nang may um-order ng coke float, binigyan naman daw niya ito ng kutsara upang kahit na paano'y mahalo ang ice cream na nasa ibabaw nito.

Ngunit imbis na tanggapin daw ng customer ay nagalit pa ito at nagawa pang isaboy ang coke float sa crew.

Ang masaklap pa, ang batang kasama ng customer ay nagawa ring matapunan ng lotion ang crew na animo'y ginaya ang ginawa ng nakatatanda.

Di nagpakita ng anumang sama ng loob ang crew at nagawa pang magpasalamat sa naging customer dahil alam naman niyang ginawa lamang niyang sumunod sa patakaran ng kanilang trabaho.

Dahil dito, umani ng papuri ang crew lalo pa at papasok pa rin daw ito ng paaralan sa kabila ng di magandang nangyari sa trabaho.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga naging reaksyon:

"Pasensya kana. May mga tao talagang hindi nakakaintindi."
"Hayaan mo.. God is at work of your success ,God bless you..."
"Saludo sayo kuya! pagsubok lang yan sa pasensya mo..."
"Grabe may mga tao talagang kung makaasta"
"Ok lang kuya, may karma rina ang taong yun"
"HAhaha, nagtapon ng cok float, siya rin naman nawalan.. di nag-isip si customer"

Umani na ng nasa 6.6 reactions ang naturang post.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Actor Baron Geisler in a very sincere and powerful interview to HumanMeter speaks about the tough years of his alcohol addiction and about how he found his way out of this complicated situation.

Baron Geisler: I'm In Love With God | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Nangungulilang anak, nais makita ang kanyang amang Hapon

Nangungulilang anak, nais makita ang kanyang amang Hapon

Nangungulilang anak, nais makita ang kanyang amang Hapon
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel