Isa na namang larawan ng CR na ginawang faculty room, isiniwalat ng isang dating guro

Isa na namang larawan ng CR na ginawang faculty room, isiniwalat ng isang dating guro

- Nag-viral din ang larawan na binahagi ng isang dating guro kung na kuha sa palikuran na ginawang faculty room

- Ang isa sa mga larawan ay kuha ilang taon na ang nakalilipas kaya naman nangangahulugang di na bago ang naging kontrobersyal na sitwasyon ng mga guro sa Bacoor National high school

- Giniit ng dating guro na di sila nagdadrama at wala na lang talaga silang ibang lugar na maaring gawing faculty room kundi ang mga CR

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kabila ng kontrobersiyang kinaharap ng guro na nagpost ng kalunos-lunos na kalagayan nila sa palikuran ng ginawang faculty room ng paaralan, isa na namang dating guro ang naglakas loob na ibahagi rin ang kanilang larawang kuha rin sa loob ng CR ng paaralan nila.

Sa post ng netizen na si Karen Apoloan, makikita ang kanilang naging kalagayan ialng taon na ang nakalipas sa paaralang kanyang pinagturuan.

Ayon pa kay Karen, di raw sila 'nagdadrama' lamang upang kaawaan kundi wala na lamang daw talagang ibang lugar na maari nilang gawing faculty room.

Kwento pa niya, wala rin silang laboratory rooms kaya naman ang kanilang mga estudyante ay nagsasawa ng experiment sa kani-kanila lamang mga classrooms.

Naranasan din daw niya umano na maki-share na lamang sa teacher's table ng kanyang mga kapwa guro dahil hindi siya nabiyaan ng isa kung di pa siya gagawa ng paraan. Kaya laking pasalamat noon ni Ma'am Karen sa nagpagamit ng table sa kanya at sa gumawa rin para sa kanya.

Naaawa nga raw si ma'am Karen sa mga naging guro niya noon dahil sa mas marami na sila ngayon na namamalagi sa palikuran na ginawang faculty room.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

At ngayong wala na raw siya sa serbisyo, nasasaktan pa rin daw siya nang malaman ang naging komento ng DepEd secretary Leonor Briones patungkol sa may katulad nilang sitwasyon na mga guro ng Cavite.

Samantala, tulad ng naunang post patungkol sa parehong kalagayan ng mga guro sa mga CR na ginawang faculty rooms, nag-viral din ito at umani ng samu't saring reaksyon mula sa mga netizens.

Narito ang ilan sa mga naging reaksyon nila:

"Matagal na ganyan kalagayan ng teachers Highschool p lng ako ganyan rin mga faculty room nila. Mas malala pa dyan Lalo na sa Public School"
"ayoko na magpublic.... huhuhu... nagmumukanh kawawa ang mga teachers.... anliit ng tingin...masakit for me.makita to coz.teacher din ako.... im just happy na sa school namin...ang mga teacher ay may sarling fculty at bukod din ang office ng mga head teacher"
"For me , the reason why they do that is to make noise, to show in gov't kung ano kalagayan nila jan, na kailangan nila bigyan ng pansin para mapunan yung kakulangan.. Wala naman ata silang intensyon na pahiyain yung principal.."
"Ndi nmn lahat ng public school ganyan.. mapa elementary or highschool my prob lng sa lugar ng iilan kung bakit ndi naabutan ng tulong.. mostly din kase ang public school nkdepende sa mga sponsors kung meron o wala.. kase limited lng tlga budget, tapos ibubulsa pa ng iba.."
"Teachers work really hard. We deserve to be given what is due us. We deserve to be apppreciated. We deserve to be given respect. We deserve to be cared for. We deserve better."
"So sad tapos nakakaloka ang comment ng principal di kaya sia nakokonsenxia ... malahotel sa ganda at lamig mga opisina nila pero mga kawawang guro walang kapapatang mag karoon ng faculty room ... kaya no choice mga guro duon sila stay sa CR just to have little privacy. OMG!!! Happy teachers produce happy learners. Nakalimot na si principal"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Actor Baron Geisler in a very sincere and powerful interview to HumanMeter speaks about the tough years of his alcohol addiction and about how he found his way out of this complicated situation.

Baron Geisler: I'm In Love With God | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Nangungulilang anak, nais makita ang kanyang amang Hapon

Nangungulilang anak, nais makita ang kanyang amang Hapon

Nangungulilang anak, nais makita ang kanyang amang Hapon
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel