Estudyante, ibinahagi kung paano siyang naka-ipon ng P26K mula sa kanyang baon

Estudyante, ibinahagi kung paano siyang naka-ipon ng P26K mula sa kanyang baon

-Mula sa kanyang baon na P150 nakaipon ng P26,000 ang isang estudyante

-Ibinahagi naman niya ito sa social media na agad nag-viral

-Ayon sa estudyante, disiplina sa sarili at pagtitiis ang kanyang naging sandata para makapag-ipon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Maraming humanga sa isang viral post sa social media kamakailan dahil naging inspirasyon ito para sa marami.

Sa Facebook post ng netizen na si Coristine Scimorius, ibinahagi niya kung paanong ang isang katulad niyang estudyante ay nakaipon ng malaking halaga mula sa kanyang araw-araw na baon.

Ayon kay Coristine, mula sa P150 niyang baon kada araw ay nag-set siya ng goal na makaipon ng P650 kada linggo.

Paano?

Mula sa P150 ay P20 lamang ang kanyang ginagastos mula rito dahil nagbabaon naman daw siya ng kanin at ulam sa eskwelahan.

Kaya naman sa loob ng isang buwan ay nakakaipon daw siya ng P2,600.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

At laking-gulat na lang daw niya nang malamang umabot na sa P26,000 ang kanyang ipon sa loob ng 10 taon.

'Di rin daw biro ang kanyang ginawa dahil kailangan din daw niyang magtiis at disiplinahin ang sarili.

"Mahirap talagang mag-ipon, kasi unang una sa lahat, ang hirap iwasan ng pagkain. ‘Yung tipong iipunin mo sana e ipambibili ko pa siya ng pagkain."

Mas naging madali para sa kanya ang pag-iipon dahil nag-open siya ng BPI Kaya Savings Account.

"So ang ginawa ko, nag-open muna ako ng BPI Kaya Savings Account, convenient siya sa mga students kasi PHP 150.00 lang ang bayad upon opening sa account tapos walang maintaining balance. Though kada-withdraw mo lang e mababawasan ka ng PHP 5.00."

Para raw sa kanya, mas importante ang "needs before wants" para mas maging disiplinado pa sa pag-iipon.

"Lagi ko rin dinidisiplina ang sarili ko, lagi kong iniisip ‘yung needs before wants. Kasi kung talagang determined kang mag-ipon, makakaipon ka talaga."

Maraming netizens ang na-inspire sa ibinahagi ni Coristine. Sa katunayan ay umabot sa 34k ang shares nito sa FB.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Burger And Fries Battle: How Many Can You Eat? Our hosts Javen and Roi pick up a rough Burger and Fries Battle. Who can eat more? Let us find out! Check out all of our exciting videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Kris Aquino finally reveals reason she deactivated on social media

Kris Aquino finally reveals reason she deactivated on social media

Kris Aquino finally reveals reason she deactivated her social media account
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel