Mga estudyante, tinitiis tumawid sa delikadong tulay makarating lang sa paaralan

Mga estudyante, tinitiis tumawid sa delikadong tulay makarating lang sa paaralan

-Bukod sa pagod at gutom, tinitiis rin ng ilang estudyante sa Opol, Misamis Oriental ang pagtawid sa isang delikadong tulay

-Dahil sa hirap ang karamihan sa mga residente, wala silang magawa kung hindi ang tumawid sa sirang tulay

-Kasalukuyan itong ipinasara ng lokal na pamahalaan ngunit dahil kailangan pang magbayad ng P15 sa ibang daan, dito pa rin nagta-tyaga ang mga estudyante

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Sira-sira at posible pang ikapahamak ng marami ang isang tulay sa Opol sa Misamis Oriental na araw-araw tawiran ng mga estudyante doon.

Ngunit sa kabila nito, no choice ang mga bata roon dahil kailangan nila itong tawirin para makarating sa kanilang eskwelahan.

Sa report ni Marisol Abdurahman ng GMA News, napag-alamang ipinasara na pala ito ng lokal na pamahalaan dahil sa lubhang napaka-delikado nito lalo na para sa mga bata.

At dahil nagkaroon ng election ban para sa mga konstruksyon ay na-delay ang pagpapagawa nito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read

Ngunit tila hindi na iniinda ng mga bata ang kapahamakan na dala ng tulay para lamang patuloy na makapasok sa paaralan.

Mayroon man daw ibang daan, kinakailangan pa nilang magbayad ng P15 para makasakay sa habal-habal, na kadalasan ay hindi naman kaya ng mga ito.

Katunayan, isa sa mga batang nakapanayam ng programa na si Cacho Reno ay pumapasok sa eskwelahan kahit pa nga walang kain o baon.

Mula 12:00 ng tanghali hanggang 6:00 ng gabi ang pasok nito. Tatlong kilometro rin ang kailangan nitong lakarin papasok at tatawirin pa ang delikadong tulay.

Pero kahit na ganito ang halos araw-araw na kinakaharap niya ay hindi pa rin ito magiging dahilan para sumuko ito sa pangarap na edukasyon.

Sa ibang ulat ng KAMI, isang bata naman ang nagtitiis bilang taga-baklas ng mga sirang gamit, para patuloy na makapag-aral.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Burger And Fries Battle: How Many Can You Eat? Our hosts Javen and Roi pick up a rough Burger and Fries Battle. Who can eat more? Let us find out! Check out all of our exciting videos – on KAMI

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone