LTO, binigyan ng leksyon ang lalaking nag-drive mula sa passenger's seat

LTO, binigyan ng leksyon ang lalaking nag-drive mula sa passenger's seat

-Permanente nang 'di makakapagmaneho ang lalaking nagviral sa social media

-Ito ay matapos siyang ma-spot-an na nagmamaneho mula sa passenger's seat ng sasakyan

-Pinatawan rin ito ng P9,000 na multa ng LTO

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi na kailanman maaaring magmaneho ang lalaking si Miko Lopez matapos itong mag-viral sa social media.

Sa isang report ng CNN Philippines, permanente na itong banned mula sa pagmamaneho ayon mismo sa Land Transportation Office (LTO).

Tinanggalan na rin ito ng lisensiya at hindi na maaaring makakuha pa nito.

“While [Lopez] may possess the knowledge and skills of a competent driver … the same cannot be said of him being a proper person to operate a motor vehicle,” ayon sa LTO.

Pinagmulta rin si Lopez ng kaukulang kahalaga dahil sa kanyang mga violations na nagkakahalaga ng P9,000.

Kabilang sa na-violate ni Lopez ay reckless driving, failure to use a seatbelt, overspeeding, at unauthorized motor vehicle modification.

Sa isang video na in-upload mismo ni Lopez noong Mayo 23, makikita itong nagmamaneho habang siya ay nasa passenger's seat ng sasakyan.

Nagsindi rin ito ng sigarilyo sa loob ng sasakyan at binitiwan ang manibela nito habang patuloy na umaandar.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

“May the imposition of the aforementioned penalties against … Lopez instill in the minds of all motorists that such acts will never be tolerated by this Office and shall be punished to the fullest extent of its authority,” ayon pa sa LTO.

Ayon sa report, hindi sumipot si Lopez sa tanggapan ng LTO nang imbitahan ito para ibigay ang kanyang panig.

Una nang naiulat ng KAMI na sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na posibleng maharap sa mga kaso ang lalaki.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Burger And Fries Battle: How Many Can You Eat? Our hosts Javen and Roi pick up a rough Burger and Fries Battle. Who can eat more? Let us find out! Check out all of our exciting videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel