Netizen, nagbahagi ng mga nakakakilabot na videos at pictures sa kanilang bahay

Netizen, nagbahagi ng mga nakakakilabot na videos at pictures sa kanilang bahay

-Ilang imahe ng kababalaghan ang tila nasa mga larawan na ibinahagi ng isang netizen sa social media

-Ayon sa uploader, nagulat daw ang kanilang nanay nang may makitang pusa na humahabol sa kanyang kapatid

-Ngunit laking gulat nila nang mawala ito at doon na nila napansin ang mga imahe sa kanilang bintana

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nakakakilabot ang ilang imahe na na-spot-an ng mga netizens sa social media na mabilis na nag-viral.

Ayon sa uploader na si Joshua Helito, nagulat raw ang kanyang nanay nang may makitang pusa na sumusunod sa kanyang kapatid (Anya).

Ngunit nang hinabol raw ito ng kanilang nanay ay bigla umano itong naglaho.

Doon na umano nila nakita ang isang imahe na nag-anyo umanong pusa.

Sa videos na ibinahagi rin ng netizen, makikita ang takot sa babae sa video maging ng kumukuha nito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa ilang larawan na kasama sa post ni Helito, makikita pa ang isang imahe na tila nakasilip roon.

Sa isang video, maririnig pa ang isang paos na boses na talaga namang nakakakilabot pakinggan.

Samantala, isang Cesar Magdangal naman mula sa mga netizens ang nag-comment sa post ni Helito.

"When I first enter your house I sense something.Prayers lang baka good spirit naman yan."

May mga ilang netizens rin ang tila natakot rin sa kanilang nakita.

"Ako lang ba dito ung di makakita sa bintana ung tinutukoy nila ? Weird."

"Ako lang po ba nakakakita neto. Dito rin po ako medyo kinilabutan."

" Look at the left window. Kinilabotan ako dito."

"Ako lang ba naka kita na nasa isang bintana muna sumilip bago sa kabila."

"Ako lng ba nakapansin sa pangalawang video parang gumalaw yung nasa bintanang naka silip."

"Actually andaming faces around their house. Super creepy."

"Creepy!! kase ung mga unang nrecord sa video ung una sa part ng bintana, den maya maya kitang may sumilip na!! Kita yung muka as in, mata en ilong!!! May movement d mo alm kung nkatingin pba o nkkinig sa usapan!!! Yiiikksss.katakotz!!!! Ingats palage po.. maging praktikal.. dala rosary at pang protect sa srili."

Ganunpaman, walang makapagsasabi kung ang imahe ay totoo o gawa lamang ng malikhaing-isip ng mga tao.

Dapat na lamang nating isa-isip na posibleng sa dako pa roon ay mayroong mga nilalang na kasama nating naninirahan sa ating mundong puno ng mahiwagang mga bagay.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Burger And Fries Battle: How Many Can You Eat? Our hosts Javen and Roi pick up a rough Burger and Fries Battle. Who can eat more? Let us find out! Check out all of our exciting videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Mahirap lang noon! Heart Evangelista reveals her dad's humble beginnings in latest vlog

Mahirap lang noon! Heart Evangelista reveals her dad's humble beginnings in latest vlog

Mahirap lang noon! Heart Evangelista reveals her dad's humble beginnings in latest vlog
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel