Batang Pinoy, idineklarang Servant of God ng Vatican
-Idineklarang Servant of God ng Vatican batang si Darwin Ramos
-Darating sa bansa mula Roma ang paring nagsumite ng pangalan ni Darwin upang magbigay ng ulat at gagawin para maisulong ang pagdeklara kay Darwin bilang batang santo
-Masaya naman ang pamilya nito at ibinahagi pa ang ilang nilang alaala sa yumaong si Darwin
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see
Idineklara ng Vatican bilang Servant of God ang Pilipinong si Darwin Ramos na yumao noong 2012 dahil sa isang karamdaman.
Ngayong linggo, darating sa bansa mula Roma ang paring nagsumite ng pangalan ni Darwin upang magbigay ng ulat at gagawin ng Diocese of Cubao sa pagsusulong kay Darwin at maideklara nang Vatican na batang santo, ayon sa ulat ng ABS-CBN News.
Masaya naman ang pamilya ni Darwin dahil dito. Mabait at masunurin na anak raw si Darwin at sa kabila ng kanilang kahirapan ay hindi nagreklamo.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read
Bata pa lamang daw ito ay natuto na itong mamalimos upang makatulong sa kanila, ayon sa ina nito na si Erlinda.
Hindi rin daw ito nagrereklamo kahit pa nga noong nagsimula na itong magkaroon ng karamdaman.
Kwento pa ng kapatid nito, palagi raw itong nanalangin at hindi marunong magtanim ng sama ng loob.
12-anyos ito ng makasama sa Tulay ng Kabataan at ayon sa mga nakasama ni Darwin, isang pagpapala ang makasama ito.
Sabi naman ni Bishop Honesto Ontioco ng Diocese of Cubao, halimbawa si Darwin ng kabanalan, sa panayam rito ng GMA News.
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Burger And Fries Battle: How Many Can You Eat? Our hosts Javen and Roi pick up a rough Burger and Fries Battle. Who can eat more? Let us find out! Check out all of our exciting videos – on KAMI
Source: KAMI.com.gh