Lalaking maraming naging trabaho, napagtapos ang sarili sa kolehiyo bilang summa cumlaude

Lalaking maraming naging trabaho, napagtapos ang sarili sa kolehiyo bilang summa cumlaude

- Dating factory worker, tindero, baker, security guard, janitor at houseboy si Abzonie Reño na naigapang ang pag-aaral sa kolehiyo

- 27 taon na si Abzonie nang makapagtapos ng kolehiyo dahil na rin sa pagtulong sa kanyang pamilya

- Di niya binitawan ang pangarap an makapagtapos ng pag-aaral kaya nang magkaroon siya ng pagkakataon, siniguro niya ito inaksaya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang humanga kay Abzonie Reño bilang kauna-unahang summa cumlaude ng Caraga State University.

Ayon sa ABS-CBN, nagtapos si Abzonie sa kursong Bachelor of Science in Secondary Education, Major in Math.

27 na siya nanag makapagtapos dahil na rin sa pagbabanat ng buto upang makatulong sa pamilya.

Naglalabada lamang ang kanyang ina na siyang mag-isang tumataguyod sa tatlo pang kapatid ni Abzonie. Iniwan na kasi sila ng kanyang ama sa di malamang kadahilanan.

Kaya naman taong 2008, nakipagsapalaran siya sa Maynila kung saan iba't ibang mga trabaho ang kanyang pinasok. Nagi siyang factory worker, tindero, baker, security guard, janitor at houseboy.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

2015 nang magbalik siya sa pag-aaral sa edad na 23. Sa umpisa'y nahihiya siya dahil sa kanyang edad ngunit ginawa na lamang niya itong motivation na pagbutihin ang kanyang pag-aaral.

Katunayan, nagsilbing inspirasyon pa siya sa mga kaibigan niya at kaklase na nagkamit din ng karangalan sa araw ng kanilang pagtatapos.

Ang nakaktuwa pa kay Abzonie, dahil siya ay isang scholar, nakapagsusubi pa siya noong ng pera kaya naman nakapagpagawa siya ng kanilang bahay.

Sa ngayon, nagbabalak pa siyang kumuha ng Master's degree.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Actor Baron Geisler in a very sincere and powerful interview to HumanMeter speaks about the tough years of his alcohol addiction and about how he found his way out of this complicated situation.

Baron Geisler: I'm In Love With God | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel