Anak ng driver, pinaiyak daw ang mga netizens sa viral na mensahe nito sa kanyang ama

Anak ng driver, pinaiyak daw ang mga netizens sa viral na mensahe nito sa kanyang ama

- Marami ang naluha sa post ng anak ng driver na si Ryan Russel Reyes na nag-graduate

- Di kinahiya ni Ryan ang amang driver na wala manlang daw pam-blowout sa kanya nang araw na iyon

- Sinabi pa ni Ryan na ang araw na iyon ay para sa amang nagpakahirap igapang ang kanyang pag-aaral

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ang post ng netizen na si Ryan Russel Reyes na nagtapos ng kolehiyo na with Honors.

Marami ang naging emosyonal sa post ni Ryan patungkol sa amang driver na humingi ng paumanhin sa kanya at wala manlang itong pam-blowout sa anak sa kanyang pagtatapos.

Imbis na malungkot, pinaunawa ni Ryan na ang araw na iyon ay di tungkol sa kanya kundi tungkol sa kasipagan ng ama na siyang bumubuhay sa kanilang pamilya.

Pinasalamatan niya ang amang iginapang ang kanyang pag-aaral at hinarap ang lahat ng uri ng pagsubok sa buhay mataguyod lang ang pamilya at mapagtapos lang ang kanyang mga anak.

Laking pasalamat din ni Ryan na tanggap siya ng ama kahit mayroon siyang pusong babae.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kaya nama iniaalay niya ang araw ng pagtatapos sa kanyang ama. Sinabi pa ni Ryan na kaya siya nagsumikap sa pag-aaral ay upang masuklian ang mga paghihirap ng ama.

Di man daw siya nabusog sa dapat ay blowout para sa araw na iyon, sa presenya pa lang daw at pagmamahal ng kanyang ama ay busog na busog na siya.

Hinayag din niya ang pagmamahal sa ama at sinabing proud siya rito.

Dahil sa mga tagos sa pusong sinabi ni Ryan, maraming netizens ang nantig at ang ilan ay sinabing naluha sa naturang post.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Actor Baron Geisler in a very sincere and powerful interview to HumanMeter speaks about the tough years of his alcohol addiction and about how he found his way out of this complicated situation.

Baron Geisler: I'm In Love With God | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Prenup shoot sa Cebu, hinangaan ng mga netizens sa pagiging simple nito pero totoo

Prenup shoot sa Cebu, hinangaan ng mga netizens sa pagiging simple nito pero totoo

Prenup shoot sa Cebu, hinangaan ng mga netizens sa pagiging simple pero totoo
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel