Hidilyn Diaz, hindi pinapabayaan ng gobyerno ayon sa PSC

Hidilyn Diaz, hindi pinapabayaan ng gobyerno ayon sa PSC

-Isa si Hidilyn Diaz sa may pinakamalaking allowance mula sa gobyerno ayon sa PSC

-Madalas rin daw na mapagbigyan ang mga request ng atleta at hindi raw ito pinababayaan ng gobyerno

-Kasunod ito ng paghingi ng tulong ni Diaz mula sa mga pribadong sponsorship

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kasunod ng mga naging pahayag ni Rio Olympics silver medalist Hidilyn Diaz sa kanyang Instagram account, na una nang naibalita ng KAMI, sinagot ito ng Philippine Sports Commission.

Ayon kay PSC Chairman Butch Ramirez, suportado ng gobyerno ang mga pinansiyal na pangangailangan ni Diaz, base sa ulat ng News5.

"The government has been very supportive," ani Ramirez.

Matapos kasi ang naging pahayag ni Diaz ay mayroong mga kumuwestiyon sa suporta ng gobyerno rito.

Ayon pa kay Ramirez, si Diaz ang isa sa may pinakamalaking allowance sa national pool at madalas na mapagbigyan sa mga request nito.

Sabi pa ng PSC, ngayong taon, umabot na sa P4.5 million ang pondong inilaan kay Diaz para sa training nito sa Hainan at Guangxi sa China.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ang ahensiya rin daw ang may sagot sa sweldo at food allowance ng coach nito na si Julius Kaiwen Gao.

Isa ring bagong weightlifting gym ang itinayo sa RMSC matapos nitong manawagan na luma na ang gym na kanilang pinagsasanayan.

"Hidilyn receives support from the PSC and the Philippine Air Force being an enlisted personnel," sabi pa ni Ramirez.

Dagdag pa ng PSC, pagkatapos ng kanyang tagumpay sa Olympic ay nakatanggap si Diaz ng halagang umabot sa P3 million mula sa government incentives act, RA 10699 para sa kanyang silver and gold finishes sa 2017 Asian Indoor and Martial Arts Games at sa 2018 Asian Games.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Burger And Fries Battle: How Many Can You Eat? Our hosts Javen and Roi pick up a rough Burger and Fries Battle. Who can eat more? Let us find out! Check out all of our exciting videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Grab food delivery riders chip in to help co-rider

Grab food delivery riders chip in to help co-rider

Grab food delivery riders chip in to help co-rider
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel