Batang boksingero na itinumba ng sariling pangarap, kritikal

Batang boksingero na itinumba ng sariling pangarap, kritikal

-Hindi makakilos at hindi na rin makapagsalita ang batang boksingero na si Dodong

-Kritikal ang kanyang kondisyon matapos magkaroon ng blood clot sa kanyang ulo

-Sa pagsasaliksik ng programang KMJS, hinihinalang nagkaroon ng kapabayaan kaya napahamak si Dodong

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kritikal ang lagay ng batang boksingero na si Jelemart "Dodong" Gotual matapos magkaroon ng blood clot sa ulo.

Nagkaroon ng pagkakataon ang programang Kapuso Mo Jessica Soho (KMJS) na itampok ang kwento sa likod ng paghihirap ni Dodong.

Ayon sa pagsasaliksik ng programa, nakarating sa mga magulang ni Dodong na mayroong naging kapabayaan kaya napahamak ang kanilang anak.

Matapos na mangarap ang binatilyo, ay nagpursige itong ipagpatuloy ang pagiging boksingero at napunta sa Sindangan, Zamboanga del Norte, na sinasabing boxing capital sa nasabing probinsiya.

Sa tulong ng kanyang kapatid na si Jelmar, napasama si Dodong sa Unified Sindangan Athletes Associaton (USSA) para mag-training.

Nakitaan raw ng mga ito ng potensiyal si Dodong ngunit dahil baguhan pa lamang ay puro sa sparring lang muna ito isinasabak.

Libre rin ang tirahan at pagkain ni Dodong doon at ayon sa coach nito ay nakakatanggap pa ng allowance paminsan-minsan.

Hanggang nitong Setyembre 2018, sa pista ng Sindangan, isinabak raw sa isang laban si Dodong.

Giit ng USAA, sparring lamang ang nangyari at ka-match lamang nito ang kanyang kalaban.

Ayon naman sa organizer, inimbitahan lamang nila ang mga batang boksingero para mahikayat ang mga kabataan at magkaroon ng interes sa boxing.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ngunit isang concerned citizen ang nagsabi na mismatch ang laban. Higit na malakas umano ang kalaban ni Dodong at halata raw na nanghihina pa ito.

Sinabi raw ng batang boksingero na hindi pa sila nananghalian ng mga oras na 'yon.

Round 1 pa lamang daw ay halata nang wala sa kondisyon si Dodong hanggang sa tuluyan na itong nawalan ng malay matapos ang round 3.

Agad naman daw isinugod sa ospital si Dodong at doon na napag-alamang nagkaroon ito ng blood clot sa ulo at kinailangang operahan.

Sabi ni Ed Picson, Secretary General ng ABAP, hindi raw masasabing sparring lamang ang nangyari dahil nangyari ito sa labas ng kanilang gym.

Ayon naman kay Atty. Ma. Soledad Deriquito-Mawis, hindi dapat pilitin ng isang coach ang isang boksingero kung hindi nito kaya. Dapat daw na inaalam ng mga ito kung nasa tamang kondisyon ang isang boksingero.

Nakarating na rin sa Games and Amusement Board ang nangyari at kinumpirmang walang naka-record sa kanila na laban noong Setyembre 14, 2018.

Masama ang loob ng pamilya ni Dodong sa USAA dahil naniniwala ang mga ito na may kapabayaan ang asosasyon sa nangyari sa binatilyo.

Ngunit patuloy na lumalaban ang mga ito para sa katiting na pag-asang gagaling pa si Dodong.

Hangad ng KAMI ang agarang paggaling ni Dodong.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Are You Smarter Than The 3rd Grader? Asking adults questions from the school program. Let us see if you can answer them all. Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel