Principal, balak kasuhan ang gurong nagpost ng kanilang CR na ginawang faculty

Principal, balak kasuhan ang gurong nagpost ng kanilang CR na ginawang faculty

- Nag-viral sa social media ang mga larawan ng comfort rooms na ginawang faculty room sa Cavite

- Haharap sa patong-patong na kaso ang gurong nagbahagi ng mga larawan dahil sa pagsira umano ng mga ito ng imahe ng paaralan

- Depensa ng punungguro, di niya inutusan ang kanyang mga guro na manatili doon at sinabing binigyan pa niya ang mga ito ng pahintulot na gamitin ang library at function hall at laboratory rooms sa mga guro

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Posibleng humarap sa patong patong na mga kaso ang gurong si Maricel Herrera matapos nitong ibahagi ang kalunos-lunos na kalagayan nila sa paaralan.

Nag-viral ang mga larawan niya kung saan ginawa nilang faculty rooms ang ilang palikuran ng paaralan sa kakulangan daw sa pwede nilang gawing faculty room. Una na itong naibalita ng KAMI.

Dahil dito, inulan ng batikos ang pamunuan ng Bacoor National high school kung saan nagtuturo si teacher Maricel.

Ayon sa panayam ng ABS-CBN sa punungguro na si Anita Rom, wala siyang utos sa mga guro na gawin ito.

Depensa pa nito, inalok niya ang mga guro na manatili sa laboratory rooms, library at maging ang function hall na kasya ang nasa 700 katao ay maari na raw gamitin ng mga guro bilang faculty room.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Napilitan lamang ang mga guro na lisanin ang faculty room dahil sa gagawin pa itong karagdagang classroom.

Ayon pa kay teacher Maricel, sana raw kasi ay ang maaring kumuha ng pondo ng paaralan o tinatawag na MOOE ang pagpapagawa ng maayos na faculty room na kasya ang mga guro.

Giit naman ng principal, dapat na nagtuturo ang mga guro at di isipin ang lugar na 'pahingahan' nila sa paaralan.

Masama ang loob niyang sinabi na di lamang ang imahe ng Bacoor National high schol ang sinira ni teacher Maricel kundi ang imahe ng buong DepEd.

Dahil sa mga pangyayaring ito, maaring humarap sa mga kasong administratibo, cyberlibel at destruction of public facility ang guro.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Actor Baron Geisler in a very sincere and powerful interview to HumanMeter speaks about the tough years of his alcohol addiction and about how he found his way out of this complicated situation.

Baron Geisler: I'm In Love With God | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Isko Moreno has an awesome family life outside politics

Isko Moreno has an awesome family life outside politics

Isko Moreno has an awesome family life outside politics
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel