Meatballs mula sa China na apektado ng ASF, nasabat ng mga awtoridad

Meatballs mula sa China na apektado ng ASF, nasabat ng mga awtoridad

-Kahong-kahong meatballs mula sa China ang nasabat ng mga awtoridad sa Subic, Zambales kamakailan

-Kabilang ang China sa 16 na bansang apektado ng African Swine fever

-Dahil dito, ipinag-utos ng Department of Agriculture na i-check lahat ng mga refrigerated van na mula sa mga bansang apektado ng ASF

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nasabat ng mga quarantine officers ng Subic, Zambales ang kahong-kahong meatballs na ini-smuggle mula sa bansang China.

Ayon kay DA Secretary Manny Piñol, idineklara raw na fish tofu ang mga ito ngunit naging kahina-hinala ito dahil sa idineklarang temperatura na kailangan nito.

Ang China ay isa sa 16 na bansang kabilang sa mga apektado ng African swine fever na ikinamamatay ng milyong-milyong baboy.

Dahil dito, ipinag-utos ng Department of Agriculture (DA) na i-check lahat ng mga refrigerated van na mula sa bansang apektado ng ASF, ayon sa ulat ni Cedrick Castillo ng GMA News.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sabi ng DA, noong isang taon pa ipinagbawal ang pag-angkat ng mga produktong gawa sa karne ng baboy sa mga bansang apektado ng ASF.

Nilinaw naman ng Department of Health (DOH) na hindi pa napapasok ng ASF ang Pilipinas at ligtas kainin ang mga produktong baboy mula sa mga lokal na merkado.

Una nang naiulat ng KAMI na nagbigay na ng listahan ang Food and Drug Administration ng mga brand ng mga de latang ipina-recall nila dahil sa ASF.

Kasunod ito ng pag-alma ng grupo ng mga manufacturer sa bansa na linawin ng FDA ang kanilang naging pahayag kaugnay sa mga de latang "banned" sa bansa na naiulat na rin ng KAMI.

Kabilang na rito ang Ma Ling na isa sa mga paboritong kainin ng mga Pilipino.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Are You Smarter Than The 3rd Grader? Asking adults questions from the school program. Let us see if you can answer them all. Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel